Chapter 20: Ano daw?

1.2K 37 13
                                    

ASH'S POV

Pagdating ko sa condo wala parin siya.

Baka hindi uuwi sakin ngayon?

Baka galit parin sakin?

Pinikit ko na lang ang mga mata ko.

Pagod na pagod ako.

Humiga ako sa kama ng hindi nagpapalit ng damit at kinuha sa bulsa ko ang cellphone.

TO: Baby Panget

Hindi mo ba ko uuwian ngayon?

Sorry na :(

I Love you, ingat ka sa pag-uwi....

sana sakin....

***END

Haissst...Tulog muna ko....

~*~

MERE's POV

Sumama ko kay Seth. Ang binabantayan niya pala may sakit. Naaksidente daw at napuruhan kaya iyon ang daming operation na kailangang gawin sa kanya, naaawa tuloy ako sa babae, ang nangyare daw kase eh, yung babae naging suicidal dahil sa isang lalaki, hindi naman daw boyfriend pero may feelings daw si babae kaso hindi interesado si lalaki kaya nung naghanap na si lalaki ayun! Hindi kinaya ni babae at nablangko na pag-iisip. 

Nagdrive sa may bangin pero hindi naman siya namatay kaya puro operasyon ngayon siya.

"Ang saklap naman nun! Bakit ba kase ganun siya? Alam naman niyang hindi siya gusto at nilinaw naman nung lalaki na sex friends lang sila di ba?"

"Eh nafall siya pano gagawin? kung ikaw din nandun sigurado ikaw man."

"Hmp! Hindi ah! Kay Ash lang ako no! Saka pano yun? Nagkaron siya ng kidney failure at kailangan ng constant blood transfusion? Mahirap humanap ng donor ng kidney at katype ng dugo niya di ba?"

Ngumisi si Seth.

Cards: Ash CrisantoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon