Chapter 26: Seth Icarus Gabriel

285 9 2
                                    




Myrtle Therese's POV

Binuksan niya ang brown na double door, ang unang bumungad sakin ay ang malapad at semi spiral na itim na hagdanan. Malalaki ang chandelier at may pagkahaunted house ang istilo, pero malinis ang loob, very victorian period ang dating.

"Mere?" it's Sheremee, ang nakababatang kapatid ni Reina, Embree at Jeremee Mountbatten.

Bakit siya nandito? Saka parang may iba sa kanya? Nakasuot ito ng itim na lace dress, covered mula leeg niya hanggang mga braso. At may dala siyang sanggol.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noo niyang tanong,

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Maamo at inosente parin ito ngunit may tapang na ang mga tingin niya, mahaba at brown parin ang buhok ni Sheremee at kulot. Maganda ang hubog ng katawan niya at lumaki ang dibdib niya lalo, siguro ay dahil kakapanganak lang niya ulit.

"Kasama ako ni Seth. Ikaw bakit ka nandito? Nasaan si Sage?"

Mula sa likuran ni Sheremee ay naglabasan ang mga lalaking nakabihis ng itim, skinny jeans, leather jackets, black shirts, may itim ang buhok at yung dalawa pa ay silvery tulad ng kay Seth. Nagtatawanan ang mga ito maliban sa dalawa. Yung isang silver ang buhok at isang may hawak ng itim na libro.

"Bros. Si Myrtle Therese Ezkales nga pala." Biglang sabi ni Seth, naramdaman ko ang hawak niya sa likod ko.

Nakatayo silang lahat. At natahimik, naging seryoso ang mga mukha nila ng makita ako.

"Ano to Seth?" sabi ng isa sa mga kapatid niya, matalas ang tingin nito, parang laging badtrip makatingin, mapupungay ang mata niya, matangos ang ilong at maninipis ang labi. May piercing siya sa lower lip, sa medyo malapit sa right corner.

"Yan si Death. Kuya ko yan, before and after shit. The rest, kapatid ko after shit." ngisi ni Seth sakin, napalunok ako sa kaba,

Naghahyperventilate na yata ako. Kinakabahan ako at nanlalamig ang mga kamay ko. Ang kilabot ko kanina ay walang wala sa kilabot ko ngayon. Lalo na dun sa kapatid ni Seth na silvery ang buhok at dun sa may hawak na libro.

"I'm asking you Seth. Anong ginagawa mo?" nagtitimpi ito, kita ko ang pag igting ng bagang ni Death, mukhang di ako welcome.

"Bakit mo siya dinala dito, Seth?" Nag-aalalang tanong ni Sheremee,

"Wala pa kong sinasabi sa kanya. Chill"

"Tsss...Tara na Mere ihahatid kita sa sainyo" sabi ni Sage, ang asawa ni Sheremee, nakapusod ang medyo mahabang buhok nito, makisig ang katawan at matangkad.

Napatunganga ako. Sinubukan akong hawakan ni Sage pero mabilis si Seth, tinampal niya ang kamay ni Sage.

"Tang ina ka! Ano bang balak mo?!" mukhang sumabog na ang kaunting pasensya ni Death,

"Sabi ko sainyo, chill di ba? Di ko siya gagawing biktima ko. Wala sa mukha ni Mere ang maging subordinate. She's here as my friend, that's all" hindi ako makapaniwala sa walang kwenta niyang eksplanasyon!!!

"We don't do friends! Nababaliw ka nanaman ba?!" lumapit na si Death sa kapatid, ni hindi nila ako pinapansin.

"We don't. But blood ties will do, right?" seryoso na ang mukha ni Seth,

"You...you want that?" napalingon ako kay Sheremee, nakatingin naman ito kay Seth. Tumango si Seth.

"Mamaya ko na kayo kakausapin. Akyat muna kami."

Hinawakan niya ko sa kamay at iginaya sa malapad at matayog na hagdan. Nakatingin samin ang mga kapatid niya habang paakyat kami.

"Nasa likod pa yung iba. Si Death kilala mo na, si Sage din, si Sin yung medyo angular ang mukha at may hawak na libro tas si Saab yung silver ang buhok. Mamaya makikita mo yung iba, si Kai, Ran, saka si Zeivin. Kami ang magkakasama dito"

Cards: Ash CrisantoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon