Mere's POV
Tahimik ang naging byahe namin pauwi, hindi kami nagkikibuan ni Ash dahil busy rin naman siya kay Aelyx. Kaya mas natuon ang atensyon ko sa pagtetext kay Seth.
Medyo sumakit pa ang ulo ko ng malamang nag-away nanaman sila ni Death at Sin, si Seth rin kasi ang may problema ang hilig pumatol at sumagot sa mga kapatid niya!
Sa huli ay sumuko na rin ako sa pangangaral bahala siya, lagi naman silang ganun so I text Joey instead to thank him for tonight and to know if he's home safely.
"Sir, it's done." saad ni Peter mula sa harap, katabi niya ang driver habang kami ay nasa likod.
"Good. Ban them, and file the cases." sabi ni Ash sa kanya habang hinahawi ang buhok ng natutulog na si Aelyx,
"Noted Sir."
I don't know what they're talking about but I have a feeling na may kinalaman ito sa nangyare ngayong gabi. Napalingon akong muli kay Ash, he looks peaceful and calm na parang walang nangyare kanina, na parang di niya pinagbantaan si Allison, si Allison na matagal niyang pinangalagaan.
He's scary that way, how fast he can switch sides, na ngayon iaahon ka niya at bukas siya mismo ang magbabaon sayo. Sometimes I forget, who he really is, nakakalimutan kong kasama siya sa Triumph Cards na isa siya sa mga yun na hindi mo dapat kinahahalubiluhan. But here I am, sitting beside him.
"Do you think he'll still call me 'Daddy' tomorrow? Or am I going to be a stranger again?"
I don't know what to say on that. I honestly don't know, dahil di ko alam kung ano ang mangyayare bukas, kung ano magiging reaksyon ni Aelyx bukas.
Is he going to be a stranger to his own son tomorrow? Bukas ba paggising ni Aelyx, matutuwa ba tong makita siya?
"I guess we'll find out tomorrow huh?"
Ilang minuto pa ang lumipas bago kami makarating sa condo. He didn't tell me na sa condo pala niya kami uuwi, but I don't mind, gusto ko na lang din magpahinga at saka mas malapit rin naman to kesa sa condo ko. Napansin kong kasama parin namin ang mga lalaking mukhang bodyguards kanina.
"Kelan pa tayo nagkaguards?" tanong ko sa kanya habang papasok kami ng building, he's carrying Aelyx in one arm and the other's wrapped on my waist.
"Lagi tayong may guards, ngayon mo lang nakita." he answered, napaismid ako roon.
Di ko ba napapansin? Pero, wala naman talaga akong napapansin, magaling silang magtago kung ganun.
Hindi parin kami nagkikibuan ni Ash hanggang sa unit dahil nagdiretso siya sa kabilang kwarto para ihiga si Aelyx.
I went to the kitchen to drink some water dahil kanina feeling ko nahighblood ako ng sobra. I need something cold to lower it down, hanggang sa nakita ko si Peter, may nilagay itong black na duffel bag sa couch ni Ash.
"Peter." tawag ko, agad itong ngumiti sakin.
"Ma'am Therese, may kailangan po kayo?"
"May...may itatanong lang sana ako."
"Hmm. Sige po. Ano iyon?"
"Ano ang mangyayare kay Allison? Yung sinabi ni Ash kanina..." Tumango agad si Peter,
"It's a death threat Ma'am, so it will be better if she stay clear and keep her distance from Mr. Crisanto and from you." straight to the point nitong sabi,
Napainom ako ulit ng tubig sa sinabi niya.
"I see." napalunok ako sa kompirmasyong iyon, I couldn't imagine Ash killing someone, I mean, it's not gruesome to me anymore since I've been with Seth, he's told me stories about his killings dahil iyon ang purpose niya sa mundong ito, but with Ash? Can he really?
BINABASA MO ANG
Cards: Ash Crisanto
RomanceAsh Crisanto. The Card's strategist and the Europe's Business Tabloids Most Heartless Young Bachelor that breaks every female's hearts around the sphere, he who invade L.A with his night clubs, bars, casino's and hotels with such success and inevita...