Mere's POV
This is what you call 'kinain-mo-ang-mga-sinabi-mo' part. Lahat ng sinabi kong hindi ko gagawin ay ginawa ko. But you see, you wouldn't really know what you'll do unless nandun ka na mismo sa sitwasyon.
Like now. Hindi ko kailan man naimagine na mauuwi kami sa ganito. I imagined our talk will be in a cafe or sa isang resto or sa office niya. I imagined that we will talk like professionals, but that's ideal. Because this is Ash Crisanto we're talking about. At ang gusto niyang lugar na pag-usapan ay sa isang royal blood worthy suite tulad nito. At ang kinahantungan ng usapan ay ito, kinain ko lahat ng sinabi ko noon.
Hindi na kami nagkaimikan nun. Naging awkward na ulit, at hindi ako sumagot sa sinabi niya. Hanggang sa tumunog na ng tumunog ang phone ko, he just stared at me na parang wala lang.
From: Seth
Buy groceries. Walang laman ang pantry. Apples please.
I just replied 'Okay'. Nagtetext na rin si Ate tungkol sa final fitting ng dress.
"May pupuntahan ka ba?" malamig niyang tanong,
"Final fitting. Para sa wedding." I meekly answered. He checked his watch then nodded. Nilagpasan niya ko at ini-swipe ang card sa pinto. Sumunod ako, nagtataka sa ipinapakita niya.
He wants me to take him back a while ago, and now he's giving me a cold shoulder. Naguguluhan na ko! At kinakabahan sa inaasal niya.
Nang makalabas na kami ay nagdirediretso siya ng lakad. I followed, feeling chilled by his presence. Hanggang sa elevator ay hindi kami nagkikibuan, he's not even looking at me!
Damn! Ano ba 'tong nangyare? Akala ko nagkaintindihan na kami? Shit.
Nang makarating kami sa lobby ay lumiko siya papuntang parking lot. I stayed there, dahil di ko alam kung susunod ako. Hindi naman niya sinabing sumunod ako. Shit talaga! Naiiyak na ko, kaya lumabas na ko ng hotel niya at nagpatawag ng taxi.
Pagsakay ko ay tinawagan ko agad si Kuya Jet. He answered quickly,
"Hello, Mere..." rinig ko ang tawanan sa background,
"Nasaan kayo? Si Aelyx?" nanginig ang boses ko,
"Sa warehouse kami. Are you okay? Anong nangyare?" nag-aalala na ang tono nito,
"I'm fine. Punta muna ko sa bridal shop, I'll have Seth pick Aelyx there."
"Wag na. Kami na maghatid kay Aelyx, hayaan mo naman kaming makabonding ang anak mo Mere. Ngayon lang namin to nakasama." pakiusap ni Kuya, kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag.
"Sige Kuya. Tawag na lang ako mamaya." I ended the call, nang makarating na ko sa mall kung nasaan ang bridal shop nung designer ni Ate ay tumungo na ko. I still have to buy groceries, and vitamins ni Aelyx, I need to stocks. Dahil mukhang matatagalan pa kami rito.
Pagkarating ko sa bridal shop ay tumwag na ko agad kay Ate, para matigil na siya ng kakatext sakin. Sinukat ko lang ang dress, then tinignan kung saan ang mga adjustments. I gave Aelyx's size para sa susuotin niya, after that ay tumingin tingin ako ng mga wedding gown.
I gave up on marriage a long time ago. Kahit nung kami ni Ash, hindi ko naisip na papakasalan niya ko. Because my relationship with him did not really started with love. Hindi tulad ni Ate at R.A, they fell in love kahit nung umpisa palang.
Napahawak ako sa fabric ng isa, sobrang ganda kasi, ang daming makikisap na bato at parang ball gown sa ganda. Am I going to look good wearing this? Bigla akong nainggit kay Ate, at kay Snowy. Sana nakatagpo rin ako ng ganun, yung mamahalin ako ng ganun. Ang sabi ni Lolo sakin dati, na hindi kapalaran ni Ana ang kapalaran ni Nena, ang kay Juan ay ang kay Juan at ang kay Pedro ay kay Pedro. Which means, just because they found their true love that doesn't mean ako rin, maybe that's why God gave me my son. So that I'll have someone to love.
BINABASA MO ANG
Cards: Ash Crisanto
RomanceAsh Crisanto. The Card's strategist and the Europe's Business Tabloids Most Heartless Young Bachelor that breaks every female's hearts around the sphere, he who invade L.A with his night clubs, bars, casino's and hotels with such success and inevita...