Mere Ezkales' POV
Ang dami kong nakain na beef strips at kimchi masarap pala dun sa resto na yun, reasonable din ang price at hindi siya high class, kaya sakto lang ang mga suot namin. Halatang si Snowy ang namili ng kakainan, dahil kung si Raven o Ash ang namili, siguradong nakakahiya ang dresscode namin.
"Grabe alas onse na! Next time sa circle naman tayo o kaya sa maginhawa street!" suhestyon ni Blessy,
Binaba na nila kami sa Card's Resident Tower, sa condo ni Ash. Sila Via, Elle at Blessy magssleep over yata kila Snowy. Tutulungan daw nila si Snowy sa pag-aayos ng gamit, gawa na kasi ang bagong bahay nila ni Raven, pangatlong bahay na yata iyon. Grabe.
"Punta ka sa house blessing ha!" ngiti ng maamong si Snowy, humalik ako sakanya. Blooming na blooming si bakla kay Raven, buntis nanaman! Hahaha! Sa bagay, malapit na rin namang mag2 years old si Slater, mga 5 months na lang yata? Saka kaya naman nilang mag anak kahit ilan.
"Sure beb. Pupunta ako. Nga pala sino nagbabantay kay Slater?"
"Nasa bahay si Kuya Ice at Ate Lily. Nandun din si Yumi kaya may bantay."
"Ahhh. Ang dami niyo pala dun!"
"Oo saka si Uncle Ryce at Dada Eroll galing din samin kanina bumisita kay Slater, nangamusta"
Tumango tango ako, good thing at naayos na ang buhol buhol na gulo ng pamilya ni Snowy. Ang tagal nilang naghirap ni Ice at ang hirap ng nangyare kay Snowy napakagulo talaga. I'm happy for her, na natapos na yung problema niyang iyon.
"Mere! Una na kami!" nagbeso na ko kila Via, Blessy at Elle.
"Bye bye baby Ash!!! Omg!!!" nagbeso ang malandi kong kaibigan kay Ash.
Binatukan ko na! Ang landi!
"Ang selosa naman! Joke lang Sisteret!" tawa ng luka.
Umalis na sila. Kaya naman umakyat na kami ni Ash sa floor namin.
Tahimik siya. At nakahawak sa kamay ko. Nang makapasok kami sa condo ay dumiretso ito sa kama dala ang macbook. Hinubad nito ang hoodie, I took it from him para isabit sa coat rack.
"Hindi ka pa matutulog?" Tanong ko habang inaalis sa sling bag ang wallet namin at phone.
"May sasagutin lang akong e-mails. Mahiga ka na dito..." ngiti nito sakin,
He looks so vulnerable, innocent and damn beautiful this way. White shirt and PJ's looks good on him, para siyang baby. Ang sarap niyang alagaan at ispoiled-in.
Nilakasan ko ang centralized aircon gamit ang remote at nagligpit saglit, yung mga tsinelas namin at pati ba rin yung mga gamit ko sa eskwelahan. I'm still thinking if I should drop out, at kumuha na lang ng mga classes online, at ituloy ang passion ko sa Rome or balik akong L.A.
But honestly. I want to go with him. Gusto ko siyang samahan sa pagsama niya kay Jewel. Pero hindi naman niya ko inaaya so I take it na hindi niya ko gusto isama. He wants to do it alone, I want to respect that. But still, I don't trust Jewel, distance is one thing, and a woman involved is another.
I perished the thought. I'm being childish. Kailangan kong ibaon sa isip ko na respetuhin at tanggapin ang gusto ng mahal ko. Ash's decisions are always the best decision. Like Raven he's rarely wrong. I have to trust my man.
Humiga na ko sa tabi niya, tumagilid ako at yumakap sa beywang niya. Nagpatuloy ito sa pagtatrabaho, magpapaantok muna ko.
I checked my apps. Fb and instagram. Then checked my calendar. I flipped through it, then stopped, year 2014, 2016 na ngayon, it's been two years since I left Canada. 2 years na kaming magkasama ni Ash kung ganun? Hindi man official na kami noon ay ganun rin naman yun di ba? Dahil siya lang ang lalaki sa buhay ko ng mga panahong iyon.
BINABASA MO ANG
Cards: Ash Crisanto
RomanceAsh Crisanto. The Card's strategist and the Europe's Business Tabloids Most Heartless Young Bachelor that breaks every female's hearts around the sphere, he who invade L.A with his night clubs, bars, casino's and hotels with such success and inevita...