Chapter 48: Confession #2

294 8 0
                                    

Mere's POV

"Mere, bagay sakin 'to no?" ngisi ng bugok na Devon habang hawak ang kulay white na tux.

"Oo bagay sayo. Mukha kang ibong tagak." irap ko habang inaayos ang collar ni Rico.

"Psshh! Bitawan mo nga yan! Di naman sayo yan! Pakielamero ang kingina!" bulyaw ni Rico,

"Tsk. Sa kasal ni Mere gusto ko mas maganda dito suot ko! Ang panget ng taste ni Marionette! Pasunset sunset pa kasi!" maktol ni Devon,

Napailing na lang kami ni Rico sa kanya. Pano pa ba naman, apura ang reklamo sa suot eh maganda naman! The theme is very unique and vibrant, it is fiery, parang si Ate lang. It is a combination of sentimentality and comfort that reminds me of R.A.

"Okay na 'to. Sige na puntahan mo na si Abo at baka magmaktol nanaman." tawa ni Rico, I nodded at him pero bago pa ko makalayo ay hinawakan ako nito sa braso.

"I know you're tired of hearing this from us. But I have to ask you make sure." Seryosong sabi ni Rico, lumapit rin samin si Sheen habang sa gilid ng mata ko ay sumeryoso rin si Devon.

"Hindi mo naman na siguro balak iwan ang kaibigan namin, di ba? You'll stay here for good. Right, Mere?" nananantyang sabi nito,

I should be hurt, dahil ang dating ay parang mas concern sila sa kaibigan nila kaysa sa aking pinsan nila, but I'm not, matapos ba naman ng nakita ko last week? Those expensive bridal shoes and wedding gowns? The ridiculous venue reservations? And those damned engagement rings?! Come on! Alam nila panigurado ang kabaliwan ni Ash na yun!

"I'll stay, Rico. For good." tanging sagot ko, mataman naman itong tumango at binitawan ako. Wala na itong dinugtong hanggang sa tumungo ako sa mag-ama ko.

I understand why they care so much about Ash, he is their friend, lalo na si Devon. Seeing Ash at pain must have hurt them as well, dahil kung sa samahan lang ay mahaba ang pinagsamahan nila maski noong mga bata pa kami.

"Is your dress too tight?" Tanong ni Ash sa ikawalong pagkakataon, karga nito si Aelyx na walang ginawa kundi ang matulog sa balikat ng Ama.

"No. It's fine, why do you keep on asking?" irap ko,

"Because your ass and boobs looks too wholesome in that goddamned dress!" He hissed,

Well, napansin ko na rin iyon kanina but hindi naman kasi siya masyadong masikip. Understandable naman na magbabago ang sukat dahil sa eating habits ko nung mga nakaraang araw. Marami kasi akong namiss kainin dito sa Pinas kaya bumawi ako ng kain, plus, Ash is cooking for us, have I mentioned how awesome he is at cooking?

Shit. Naalala ko nanaman yung baked mac at rib eye steak.

"Suck it up Crisanto. The ceremony's about to start." singhal ko naman sa nagaalburotong bata.

Bumubod bubod pa ito pero di ko na lang pinansin ang nasa isip ko kasi ngayon ay pagkain. Matapos ang photoshoot namin kasama ang bride at groom ay nagsimula na kaming tawagin ng coordinator para sa ceremony, pumwesto na kaming magpipinsan sa kanya kanyang line up.

We have to hurry since the sun is already close to setting. When the music began lahat ay natahimik na. I smiled to myself ng maalalang kasal ito ng kapatid ko, ang kapatid kong sisiga siga pero siya pa tong naunang magpakasal samantalang ako, ako na naunang lumandi at maengaged ako pa itong mukhang mahuhuli. Even Kuya Jet kasi has plans already to marry his girlfriend Savannah.

"Our wedding will be better than this. Psh. Boring..." mapangasar na bulong sakin ni Ash, imbes na sawayin siya ay natawa pa ako. I kissed his cheek before telling him to keep quiet. He only rolled his eyes saka binalik ang atensyon sa seremonya.

Cards: Ash CrisantoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon