Chapter 25: Brothers

289 6 0
                                    

Chapter 25: Blood Brother

Myrtle Therese's POV

I get their schedules now. And sometimes I even come with Ash tuwing nangangailangan ng transfusion si Jewel but I stay inside the car ayokong nakikita ang pagmumukha ng Jewel na yun at baka mabangasan ko pa. Nasa eskwelahan ako ngayon, kasama ko si Via, Elle at Blessy, si Ash naman ay kasama sila Raven sa opisina maraming ginagawa.

Nakatambay kami sa open area ng canteen, nagkukwentuhan ng kung ano-ano, naikwento ko rin sa kanila ang sitwasyon namin ni Ash.

"Sana panindigan din ako Eliz tulad ng paninindigan ni Sage kay Sheremee..." nakapangalumbabang sambit ng lukang si Elle,

"Hoy babae! Anong sinasabi mo dyan! Ginahasa mo na ba si Eliz?!" Bintang ko,

"Grabe ka Mere! Di ba pwedeng siya ang gumahasa sakin?!!! Infairness ha grabe yang pinsan mo, nawindang ang buong pagkatao ko sa nangyare samin!!!" Napapikit pa ang luka!

"Talaga?!!! Masarap ba Elle?!!!" Singit pa nitong si Blessy,

"ANG SAKET! AT ANG SARAP NI ELIZ OMGGGGG!!! Magpapasakal na ko sa kanya! Ayyy! KASAL PALA YUN!"

Umirap ako sa kawalan, baka magpakasal na nga tong isang to, ang ganda kasi ng luka at ang sexy ng hugis ng katawan kaya siguro bumigay din ang mala santo sa tino kong pinsan na si Eliz, well, di naman siya matino pero compare mo naman kila Devon, Sheen, at Rico ay di hamak namang santo talaga tong si Eliz!

"Tssss...Kasal kasal, ang corny..." Bubod nitong si Via, nakunot ang noo namim sa kanya,

"Ang cynic naman ng bebe girl namin! Ano? Nagising ka na sa katotohanan na ayaw sayo ni Collin Pierre?" Ngisi ko pero nag-iwas siya ng tingin,

"Gising na gising. Hindi na ko maghahabol dun ang gaspang ng ugali akala ko pa naman anghel, demonyo pala"

"Hoyyyy!!! Marunong ka palang magalit?!" Sigaw ni Elle sa kapatid,

Umiling iling itong si Blessy. Hindi namin alam ang nangyare kay Via at Collin pero malakas ang kutob kong nakahanap na ng paraan si Collin upang maitaboy itong si Via, stalker at obsessed kasi ang luka kay Collin Pierre Sto. Domingo.

"Kay Arameise Aldeguer ka muna makifling sister, ayos yun type na type ka nun!" Akbay nito sa kapatid pero umiling lang si Via,

"Ayoko masyadong gwapo yun, parang si Collin ayoko muna ng lalaking ganun ang lebel, simple at normal muna ang hanapin ko"

Naisip ko bigla si Seth pero hindi naman simple at normal yung hinayupak na yun kaya hindi ko maireto kay Via. Saka nasaan nga ba ang bugok na yun?

"Nga pala, buntis si Snowy ulit di ba? Tara dalan natin ng pagkain! Yung luka na yun apura ang pagpapabuntis kay Raven!" Angal ni Blessy

"Kung asawa ko din naman si Raven eh talagang gagawin ko ding libangan ang pagpapabuntis!" Utas ni Elle na bugak

"Ang mga kaibigan natin mga nagsiasawa na, si Camille nasa Europe kasama si Pyrus at nageexpect na rin sila ng baby, uuwi next year kelan kaya tayo?" Tanong ni Blessy,

Ako, ayoko muna, pero kung aayain ako ni Ash lalo na sa sitwasyon namin ngayon ay aber, pagapang pa kong pupunta ng altar habang nagnonovena!

Nag-iisip ako tungkol sa nangyayare samin ni Ash, ni hindi ko makuhang makinig sa tinuturo ng prof sa kakaisip ko. Nag-aalala din ako kay Ash dahil nanghihina siya sa mga medical needs nitong si Jewel, nagsuggest ako ng mga alternatives pero hindi nagpapaconvince itong si Ash dahil ang usapan nila ay iyon na bago pa ko dumating, nasasaktan ako sa pag-ayaw niya, ayaw niya kong mainvolve sa past niya ayaw niyang tulungan ko siya, sinasarili ang burden na yun. At naiinis ako. Inis na inis ako kay Jewel.

Cards: Ash CrisantoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon