Chapter 18: Raven's tip

1K 28 7
                                    

Mere's POV

"Ash sino tumawag?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot,

"Si Peter, tara pumasok na tayo"

Sinungaling...Pero kahit nagsinungaling siya wala akong sinabi.

Kagabi pa tumatawag sa kanya si Allison, habang natutulog ako narinig ko ang pangalan nito atnakatayo si Ash sa paanan na parte ng kama.

At mukhang magkikita sila. Nasaktan ako dun, pero ayoko namang husgahan muna si Ash. Ayokong maging makitid ang utak ko, mahirap na baka matapos tong relasyon namin ng di oras.

Inayos ko na lang ang buhok ko, nagbraids ako at nagmake-up ng konti.

"Ash, anong gagawin mo kapag nagsinungaling ako sayo?" tanong ko habang nagsasalamin at inaayos ang lipbalm sa labi ko.

Lumingon siya sakin nang nakakunot ang noo.

"Tungkol saan?"

"Halimbawa kay Matt, pano kapag nalaman mong nakikipagkita ako sa kanya ng palihim"

"Hindi mo magugustuhan ang magiging sagot ko Therese"

"Ask me kung ikaw ang gagawa nun, let's say with Allison, and my answer will be, I'll break up with you" sabi ko,

I refuse to be a victim. Tama na yung mga nasaksihan ko, yung kay Mama, yung ginawa sakin ni Matt, at yung mga nangyare sa mga babae ni Ash Crisanto.

"San ba to nanggagaling?" tanong niya habang kinukuha ang bag ko at sinasakbit ang bag niya.

Cards: Ash CrisantoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon