Chapter 36: Priority

302 13 2
                                    


Mere's POV

I learned the hard way that you don't simply trust yourself too much na ikaw palagi ang magaling. You don't trust anyone too much sa lahat ng pagkakataon. Because you are replaceable. There is a better option, and you have to accept na hindi ikaw iyon.

Someone is always better than you at iyon ang pipiliin. That's the way of life, dapat mong tanggapin iyon dahil kung hindi, you will live a tiresome life of always making yourself better than everyone and that's just impossible. Tanggapin mo Mere, tanggapin mo na hindi ikaw ang pinili.

That kept me going. Masakit but that's reality. One of the reasons kung bakit ako umalis, iniiwas ko si Aelyx sa ganyan hangga't kaya ko.

I don't want him to be an option. Call me selfish pero ayoko ng may kahati ang anak ko sa kahit kanino. Especially with Ash. So it's better na wag na lang.

Naranasan kong makipagpaligsahan at natalo ako. Hindi ko kayang makitang mangyari iyon kay Aelyx. And now, seeing they're still together hurts me more. Kahit na alam ko na ang totoo na hindi naman sila nagpakasal talaga ay masakit parin.

It only proves that he's with her kahit na wala na siyang obligasyon kay Allison. Sila parin sa huli kaya dapat lang talaga na hayaan kong ganun.

My son does not deserve half-attention. Aelyx deserves a complete and unwavering love, hindi niya mabibigay iyon dahil dala niya parin ang baggage niya na si Allison.

"Mommy...I love you! Hug me!!!" sigaw niya sakin, medyo nauutal pa siya but still, nakakabuo siya ng sentence.

I kissed his tiny hands then his tummy making him giggle.

"I love you so much baby!" inaabot niya ko kaya kinuha ko siya,

"We have a lunch meeting with Lola and your Tita and Tito" sabi ko,

"Gammy!" sagot niya,

"Not Gammy. It's Lola, the real one." he pouted at me asking for kiss,

"Hmmm. So handsome!" binanlawan ko na siya ng warm water sa tub para mawala ang bula sa katawan niya, I drained the tub at inupo siya roon habang inaabot ang bath robe ko.

"Bubwee Mommy! More!" bitin pa siya nun? Ang tagal na ng babad niya.

"But we have to get ready for lunch with Lola, right?" kinuha ko na siya sa tub at binalot ng towel. He's so heavy na! Nangalay ako agad.

"Yogie? Mommy? Yogie?"

"Yes baby." pinunasan ko na siya hanggang sa matuyo at hiniga sa kama at binigyan ng stuff toy. The condo is perfect at maayos na ang lahat ng lumipat kami ni Aelyx. Serena found a nanny for Aelyx pero hindi galing agency, kaibigan daw niya, med student and in need of a part time job. Which is perfect dahil hindi naman kailangan ng full time, saka hindi naman kami magtatagal dito.

I just took a white button down longsleeves from my walk in closet, and an acid washed ripped jeans then a nude colored jimmy choos. Natagalan po ko sa pagpili ng damit ni Aelyx.

Sinilip ko siya saglit ata baka nahulog na sa kama, pero behave naman, tahimik lang at nakayakap sa stuff toy niyang si bingbong.

I settle with a grey cotton jogger pants and it's pair na hoodie. Nike shoes na lang ang pinartner ko. Habang binibihisan ko si Aelyx ay apura ang pag-iisip ko kung ano ang sasabihin ko kay Lola. Base sa usapan namin ni Ate ay mukhang wala silang alam na may anak na ko.

They will be shocked. "You will shock them baby" bulong ko kay Aelyx,

"Shock baby!" ulit niya, iniwan ko ulit si baby sa kama habang nagbibihis ako hindi maalis ang tingin ko kay Aelyx. Alam kong maraming magbabago sa tahimik naming buhay sa oras na umuwi ako dito sa Pilipinas, pero kailangan.

Cards: Ash CrisantoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon