Chapter 40: Hate

496 16 0
                                    

Mere's POV

I feel battered. And dog tired. And too warm. May nakadagan sa tiyan ko at nakakapit sa beywang ko. I can't move at kumakalam na ang sikmura ko.

Napahawak ako sa ulo niyang nakapatong sa tiyan ko. His hair feels soft, nagtagal ang kamay ko dun bago bumaba sa mukha niya. Tracing his cheek bones down to his soft lips.

"Aw!" Nahila ko ang kamay ko sa gulat, he bit my finger! Bumangon siya mula sa ibabaw ko, smirking like naughty kid. I glared at him.

"You bit me!" reklamo ko, yumuko siya at siniksik ang mukha sa leeg ko laughing naughtily. He reminds me so much of his son, around 1 year old siguro, Aelyx will always bite me sa daliri, sa balikat, then he will laugh joyously na parang tuwang tuwa at nagkangipin na siya kahit na ilang gabi niya kong di pinatulog dahil sa lagnat niya.

"You hungry?" tanong niya habang nakangisi parin, napatango ako dahil gutom na nga ako. He leaned forward to give me a kiss bago ito tuluyang bumangon.

"Let's just go down? You can cook for me tomorrow?"

"Sure. Get up, I'm famished." humiga ako saglit bago sumunod sa kanya, I'm still admiring his naked body, habang naglalakad siyang hubad sa kwarto.

Nice butt...fuck...I groaned silenty at saka hinanda ang sarili ko sa pagbangon, ang sakit ng 'down there ko'. Dahan-dahan akong bumangon at sumunod sa kanya sa walk-in closet.

I found him there wearing a black boxers, and already putting a white shirt on. Nang makita niya ko ay may inabot siya saking plaid button down, color red and black at may grey na hoodie.

"Wear my clothes." ngisi nito, naalala ko ang dati, kahit minsan sobrang di talaga fit sakin ang mga pinapasuot niya sinusuot ko parin para lang mapagbigyan ang gusto niya. He likes it whenever I wear his clothes, tingin niya'y angkin na angkin niya lahat pag ganun, mula ulo hanggang paa kanya. So childish but still kinikilig parin ako! Parang timang lang.

Nang matapos kaming magbihis ay dumiretso na kami sa 8th floor kung saan kami kakain. I'm still fixing my hair, tinaas ko ito at inistilong bun habang naglalakad kami papunta sa table na pinareserve niya.

"I'll have Cordon Bleu" sabi ko sa waiter, "And lemonade please."

"Let Josh cook mine. Siya na kamo bahala." sabi lang ni Ash at walang ganang inabot ang menu saka humarap sakin sabay akbay.

"Dito ka na matulog." it doesn't sound like a request, more like an order.

"I can't. I have things to do." things to do tulad ng pagpapatulog sa anak natin, tuloy ko sa isip ko.

Nagbalik muli ang malamig niyang titig sakin. And it's getting irritating na parang di niya ko pinapaniwalaan.

"Alright. Ihahatid na kita after natin kumain." sambit nito at di na ko kinausap ulit hanggang sa dumating na ang pagkain.

He only played with his food, patikim tikim lang ang ginawa niya at walang gana. Nang matapos ako ay naubos ko ang pagkain ko pati ang inumin, siya naman ay hindi halos di naman nagalaw.

"You done?" bored nitong tanong, nakaramdam ako ng inis sa asta niya. He was never this cold to me before kaya hindi ako sanay, but then, I probably should be dahil baka mas matinding cold treatment pa ang abutin ko sa kanya pag nalaman na niya bukas ang kay Aelyx.

I only nodded as a reply. Tumayo na siya kaya sumunod na rin ako ng tayo mula sa upuan. Sinenyasan lang niya ang waiter at inassist na kami palabas. Medyo nahuli pa ko ng lakad kaya huminto siya para hintayin ako, he grabbed my hand then took my bag saka nagtuloy ng lakad papuntang elevator.

Cards: Ash CrisantoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon