ONE👻

195 14 23
                                    

WARNING!! UNEDITED!!

*****


"Frances, saan mo gustong pumunta sa bakasyon?" masayang tanong ni Mommy, napatingin ako sa kanya na parang nalilito pero nginitian niya lang ako.

"Why mommy? May namiss po ba akong events?" takhang tanong ko kaya naman natawa siya pati na rin si Daddy na kararating lang. Umupo silang dalawa sa tabi ko para magpantay kaming tatlo.

"Syempre naman kailangan nating i-celebrate ang pagiging top mo sa klase. Hindi natin pwedeng balewalain ang mga ganiyang achivements dahil pinaghihirapan para marating ang posisyon na iyon!"

"Okay lang po kahit saan basta po magkakasama tayo. I love you mom and dad."

"I love you more baby." sabay na sabi nila habang nakayakap sa akin. "Always remember that." Bulong ni Daddy kaya naman mas lalo akong napayakap ng mahigpit sa kanilang dalawa.

-

"Keyraaaaaaaaaa!!" Bigla akong nakarinig ng malakas na sigaw at katok na nanggagaling sa labas kaya naman napaupo ako at napakamot sa ulo. "Keyraaa!" isa pang sigaw ang nagpagising sa kaluluwa ko kaya naman wala akong magawa kung hindi ang imulat ang aking mga mata magpa-padyak habang pabagsak na humiga.

"Keyra buksan mo itong pinto!"sigaw ng isang nilalang na sumira sa pagtulog ko. Para naman siyang nakalunok ng mikropono sa lakas ng boses niya.

Nang marinig ko ulit ang pagsigaw niya wala akong magawa kung hindi ang bumangon para harapin siya at baka magising pa ang mga tao sa buong apartment, mga kapwa ko pa naman estudyante ang mga nandirito kaya alam ko ang pakiramdam na binulabog sa pagtulog.

Napahinga ako ng malalim dahil sa napanaginipan ko. Napangiti ako ng mapait habang tumatayo, imposible naman kasing mangyari sa totoong buhay ang ganoong kagandang panaginip. Panaginip, hanggang sa panaginip na lang mangyayari ang mga magagndang pangyayari sa buhay.

"Keyra! Pisti ka talagang bata ka!" Napakamot na lang ako dahil umagang-umaga ang ingay niya at isa lang naman ang pakay niya. "Keyra, ilang buwan ka ng walang bayad ng upa! Kapag hindi ka pa nagbayad ngayon, makikita mo na ang mga gamit mo sa labas ng apartment ko!"

"Sandali lang po manang, maghihilamos lang po ako!" sigaw ko dito sabay takbo sa banyo para maghilamos, nakakahiya kasi sa taong nasa labas.

Pagkatapos kong maghilamos ay kaagad ako pumunta sa pintuan pero bago ko buksan ay nagayos muna ako para maging maganda sa paningin ni Aling Taring, siya ang may-ari ng paupahang bahay kung saan ako nakatira ngayon.

"Good Morning Aling Taring, anong kailangan niyo po ng ganitong kaaga?" painosenteng tanong ko pero sa loob-loob ko alam ko naman ang kailangan niya. Gusto ko lang siyang asarin, asar-talo kasi.

"Ikaw bata ka, hindi mo na ako mabo-bola ng ganyan, dalawang buwan na ang utang mo at sinabi mo kahapon na bukas ka magbabayad? Bakit wala pa ngayon?" galit na sigaw niya pero ang pinagtaka ko ay naging mahina ang last sermon niya? Baka narealize niya na hindi kaaya-aya ang amoy no'n at nahiya sa akin.

"Aling Taring ang sabi ko nga po bukas hindi po ba?" tumango naman siya sa akin kaya napatango ako. "O eh, bakit po kayo nagaalburoto hindi pa naman po bukas ang ngayon? Makakalimutin ka na po ba? Pumayag po kayo sa kasunduang yon." pagpapaliwanag ko sa kanya na siya namang naiintindihan niya dahil tumangu-tango pa siya sa akin habang ang isang daliri niya ay nakaturo sa pisngi niya. Pabebe naman si Aling Taring.

"Ay oo nga pala sige balik ako bukas pero kailangan mo na talagang magbayad alam mo naman na bayaran na sa eskwelahan, estudyante ka rin kaya alam mo ang hirap ng pagbabayad. Bakit hindi ka kasi gayahin ng anak ko, wala kang kaarte-arte sa katawan, siya gusto pa sa private school nakuuuuu!" mahinanong sabi niya kaya naman napabuntung-hininga nalang ako at napangiti dahil nakalusot ako kahit paano pero hindi ko din naman pwedeng takasan ang pagbabayad ng upa.

Serendipity ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon