NINETEEN👻

30 4 0
                                    

WARNING! UNEDITED!

*****

ILANG ARAW na akong nasa kwarto lang at natutulog. Sa ilang araw na iyon hindi ko binuksan ang cellphone ko para naman hindi ako matawagan ni Andrea. Gusto kong munang magpahinga, makabawi ng lakas dahil sa puyat na ginawa ko bago ako makapagtapos ng pag-aaral.

"Gising ka na pala. Kumain ka na," at sa ilang araw kong nasa apartment lang lagi akong pinagluluto ni Ash pati na rin inaasikaso sa lahat hangga't kaya niya. Siya din kasi ang may ideya na magpahinga ako kaya nagpahinga nga talaga ako.

"Maraming salamat," tumingin lang siya sa akin at ngumiti lang. Wala siyang sinasabi katulad noong nakaraang araw. Nakakapanibago siya.

"Come here," sabay turo sa tabi ko. Nagtaka siya nung una kaya lang umupo pa rin siya sa tabi ko. "May problema ka ba?" tanong ko dito dahil nakikita ko na parang may problema siya.

"Wanna know who I am?" tanong ko sa kanya at dahil sa sinabi ko nakuha ko ang atensyon niya. Nakatingin siya ngayon sa akin kaya nakikita ko kung gaano siya ka-inosente. Ang sarap niyang titigan, kahit multo lang siya.

"Don't, if it's making you uncomfortable," ngumiti ako sa kanya at umiling. Lagi na lang niya akong inaalala. At ang sarap pala sa pakiramdam na may taong nag-aalala at nag-aalaga sa'yo.

"Kapag nasa paligid ka hindi kailanman ako nakaramdam ng pagkailang. Mas panatag ang loob ko kapag alam ko'ng nasa paligid ka, kasama ko."

"I will take that as an compliment. Gusto ko na talagang makilala kung sino ka nga ba talaga." tumango ako sa kanya at inayos ang pagkakaupo ko.

Magsasalita na sana ako nang may biglang nagwala sa tiyan ko, "Pero pagkatapos mo na lang kayang kumain? Baka kasi ako pa ang kainin mo kapag nagtagal," biro niya kaya naman natawa na lang ako kasi baka magkatotoo na siya ang kainin ko. Joke.

Inayos ko muna ang sarili ko. Naghilamos at nagto-toothbrush pati na rin nagpalit ng damit. Kahit naman multo siya, lalaki pa rin pero minsan nakakalimutan ko iyon dahil naglakad ako ng nakatuwalya lang kaya nagsisigawan kami.

As usual pagkalabas ko nakita ko na naman kung gaano kalinis ang apartment ko, lagi naman. Araw-araw kasi siya kung maglinis at ako naman araw-araw nagkakalat kaya minsan naiisip ko na talagang pinagtagpo kami sa isa't-isa.

Nang makarating ako sa mesa nakita ko na naman ang mga pagkain na ang masarap. Nag-grocery kasi kami noong nakaraan dahil alam ko'ng magkukulong ako para magpahinga.

Minsan nagtataka na ako sa mga kilos ni Ash, para kasi siyang tao at mas tao pa siya sa akin kung kumilos.

"May gusto ka bang gawin?" tanong ko sa kanya habang kumakain ako at siya naman nakaupo sa sahig.

"Ako?" sabay turo niya sa sarili niya kaya natawa na lang ako at tumango. "Labas muna tayo. Nakalimutan ko na kasi anong hitsura ng labas." Pagbibiro ko sa kanya kaya naman tinawanan niya ako ng peke para naman hindi ako mapahiya sa biro ko.

"Sige bihis lang ako," at iniwan na niya ako kaya naman binilisan ko sa pagkain. Saan naman kaya siya kukuha ng bibihisan? Lagi nalang kasi siyang nagbibihis, tinalo niya ako sa pagiging maarte.

White t-shirt dress with denim jacket and stan Smith Adidas shoes are my outfit of the day na binili ko lang sa ukay-ukay.

"You okay?" tanong ng kararating na si Ash. I just nod.

Natulala naman ako sa kanya. Bakit ang hot niya kahit na naka-white t-shirt at ripped jeans with white nike shoes. Yan ang sinasabi ko, mukha siya tao kung hindi lang ako tatagos sa kanya.

Serendipity ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon