THIRTY-NINE👻

33 2 0
                                    

WARNING! UNEDITED!

*****

NAPAIWAS na lang ako ng tingin dahil sa nakikita ko ngayon sa kama ko. Ang gulo-gulo na para bang dinaanan ng sampung bagyo.

"Ano ba yan!" sigaw ko sabay higa na lang sa kama kahit na may mga damit pa ako dito.

Nakarinig ako ng tawa kaya naman mabilis akong tumayo at inayos ang buhok ko na nagulo na din.

"Need help?" Biglang nagningning ang mga mata ko sa tanong niya kaya naman natawa siya.

Pumunta siya sa kama ko at nakita ang nakakalat na damit. "I'm sorry po. Aayusin ko naman po after kong maayos ang dadalhin ko po."

Umupo siya sa kama at tinapik niya ang nasa tabi kaya naman umupo ako dito. "Ang laki mo na. Patawarin mo si Mommy, Daddy at Ate mo dahil nahirapan ka sa buhay." sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Isang buwan na din simula nang tumira ako dito sa bahay. Noong una himdi ako kumportable dahil nga ilang taon ko silang hindi nakasama at hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay.

Naalala ko tuloy ang nangyari noong una kaming pumunta ni Aiden dito sa bahay.

-

"Tingin mo magugustuhan nila ang inihanda ko?" Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"How about my clothes? Is it okay? Did I overdress? Or should I change to a better one?" Umupo ako sa kama kaya naman lumapit siya sa akin.

Hinawakan ko ang pisngi niya. "You look great!" sabi ko sa kanya kaya naman napangiti siya. "You too."

"Thank you." Sabay halik ko sa pisngi niya.

Naisip kasi namin ni Aiden na bumisita na ngayong araw sa parents ko. Kahapon lang din namin sinabi kaya naman alam na nila at alam kong handa na sila sa pagdating namin.

"Ingat kayo!" sigaw ni Andrea kaya naman napatango na lang ako sa kanila sabay iwas ng tingin kay Asher na nakatingin lang sa akin.

I am just wearing a white puff sleeves dress with low v-line above the knee and a white two inches heels. And he's wearing a white long sleeves polo, black slacks and a black shoes. I don't why we are both wearing formal attire. We just dress to impress my parents I think?

"You okay, sweetheart?" napahawak ako sa kamay niya kaya naman natawa siya. "Ang lamig naman ng kamay mo, relax ka lang."

Tumingin ako sa kanya kaya naman napangiti ako kahit na sa loob ko kinakabahan ako. "Sweetheart, relax. Inhale and exhale. They are your family. Act normal."

"I can't! Ang tagal kong nawala at kahit kailan hindi ko magawang maging maayos lalo na kung kaharap ko sila!" Hindi ko maiwasang magtaas ng boses kaya naman bigla siyang tumahimik at bigla akong nahimasmasan.

"I-i'm sorry. K-kinakabahan lang ako. I-i'm so sorry." Ngumiti siya ulit sa akin. "Hug me to comfort you." Hindi na ako nag-isip at niyakap ko na lang siya. Parang mahika dahil bigla na lang nawala ang kabang nararamdaman ko.

"T-thank you. Thank you for everything." Bulong ko sa kanya.

Hanggang sa makarating kami sa bahay hindi ko binitiwan ang kamay niya. Kahit noong makarating kami sa harapan ng pintuan nakahawak pa rin ako sa mga balikat niya.

He gave me strength and he cheer me up every seconds of our life, that's why I will treasure him in my mind and in my heart.

"Good day po." nagising ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Aiden kaya naman napaharap ako sa binati niya at nakita si Mom, Dad at Ate na nakangiti nakatingin sa akin bago nila inilipat ang tingin kay Aiden.

Serendipity ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon