TWENTY-EIGHT👻

21 1 0
                                    

WARNING! UNEDITED!

*****

NAALIMPUNGATAN ako nang may naramdaman akong nagvibrate sa tabi ko. Ayoko siyang pansinin dahil inaantok pa ako pero hindi siya tumigil sa kakavibrate. Wala tuloy akong choice kung hindi tingnan ito.

“Seriously?! Fifty-three missed call? For real?” dahil sa gulat ko hindi ko namalayan na napalakas ng kaunti ang pagkakasabi ko kaya naman biglang gumalaw ang nasa tabi ko, napatakip tuloy ako ng bibig.

Pagtingin ko naman sa oras, “Five, fifty-three... seriously?!” gumalaw ulit ang mga natutulog kaya wala akong choice kung hindi pumunta sa balcony. Dahan-dahan ang pag-alis ko sa kama para hindi ako magising ang mga katabi ko kung hindi magigising sila at magkaroon ng World War 3.

“Ano naman kayang problema ni boss at kung makatawag siya ay ang oa niya.” Mahinang bulong ko habang papunta at papikit-pikit pa dahil sa antok.

Yep! Si Asher ang tumawag at first time niyang tumawag sa akin. Tinawagan ko naman siya para tanungin kung anong problema baka naman emergency kaya siya napatawag ng ganoong karami at ganoon kaaga.

Ilang ring ang nangyari bago sumagot. “Boss?” panimula ko pero wala akong nakuhang sagot at tanging ingay lang ng background ang narinig ko.

“F-fran... Fran... Frances…” nagtaka naman ako sa tono ng pananalita niya, halatang kasing nakainom siya. Napailing ako. Kapag lasing ka pwede bang manahimik ka na lang at matulog, hindi yung nagda-drunk call ka ng madaling araw para mambulabog ng natutulog.

Papatayin ko na sana ang phone nang may narinig akong boses. “Hello, Ma'am? Hello?” hindi familiar ang boses pero sumagot pa rin ako. “Yes?”

“Sorry sa istorbo Ma'am pero ikaw kasi ang kanina pa tinatawagan ni Sir kaya alam kong may relasyon kayo po.” hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil may biglang natumba sa background at narinig kong nagmura si Asher.

“Ma'am yung boyfriend niyo po kasing na kasing hindi makatayo pwede niyo po bang sunduin? Sarado na po kasi ang bar pero hindi ko po siya maiwan-iwan dahil baka mapano po.” bigla naman akong tumakbo sa walk-in closet ko para maghanap ng jacket at kunin ang wallet ko. Tumakbo ako ng mabilis at hindi na nakapagpaalam sa mga kasama ko. Itetext ko na lang sila mamaya.

Tinanong ko ang kausap ko kung saang bar sila at sinabi niya naman. Pagka-para ko ng taxi sinabi ko ang location dahil hindi familiar ang lugar. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa kaba. Hindi lasinggero si Asher sa pagkakaalam ko, umiinom man siya pero moderate lang.

“Ma'am?” napatingin ako sa tumawag, yung driver lang pala na nakatingin sa akin gamit ang rear view mirror.

“Po?” tanging nasambit ko dahil lumilipad ang isipan ko sa posibleng mangyari sa lasenggerong boss ko at ang dahilan kung bakit siya naglasing dahil hindi naman niya ugali ang ganoon o nagbago na siya?

“Bakit po ganitong oras kayo pupunta sa bar na iyon? Medyo delikado po kapag ganitong oras na atsaka babae po kayo at ganyan ang suot niyo po.” napatingin naman ako sa suot ko at hindi napansin na naka-pajama pa ako, mabuti na lang may dala akong jacket.

“Boyfriend po ano?” hindi ko magawang sumagot sa tanong niya kaya tumawa na lang siya.

“Ang kakapal naman po ng mukha ng mga ganyang lalaki, nagpapasundo sa girlfriend nila at hindi inaalala ang kaligtasan nito.” napatingin naman ako sa kanya at nagulat sa nakita ko, kaya pala medyo iba ang boses dahil babae ang driver akala ko kanina lalake siya.

Serendipity ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon