FOURTEEN👻

42 3 0
                                    

WARNING!! UNEDITED

*****

IT'S BEEN A MONTH since Ash and I met. Sa loob ng isang buwang pagsasama namin ni Ash, hindi na natahimik kahit isang segundo ang buhay ko- para kaming aso't pusa na kapag nagkita hindi pwedeng hindi kami magbangayan pero pagkatapos naman ay magkakasundo na kami.

"Alam mo---,"

"Hindi ko alam." pagpuputol ko sa sasabihin niya. Lagi na lang kasing walang kwenta mga lumalabas sa bibig niya.

"Bakit mo ba kasi tinutulungan yung mga nang-aapi sa'yo? Like duh, martyr ka talagang babae ka. Hindi ka naman mapupunta sa langit dahil sa pagiging mabuting tao mo, mas marami ang kasamaang ginawa mo sa mundo kaysa kabutihan," see? Walang kwenta as expected.

"Alam mo sa ating dalawa dapat ngayon palang ikaw ang gumawa ng kabutihan dahil una sa lahat, ikaw ang multo, ikaw ang malapit ng matigok,"

"Bobo tigok na ako,"

"Tanga mo hindi pa, may pag-asa ka pa. Depende sa gagawin mong kabutihan na hindi naman nangyayari dahil kapatid mo si satanas,"

"Ikaw kambal mo siya," sasagot pa sana ako dahil hindi ako dapat magpatalo sa multo kaya lang may biglang dumating.

"Sorry na-late ako," sabi ni Andrea.

Andrea Isbel, ang dakilang fashionista ng campus. Ang babaeng binayaran ako para gawin yung assignment niya noon at nagpahiram ng laptop pati na rin ng pocket Wi-Fi sa akin para sa group project na naging individual project.

"What's with your outfit?" tanong ko sa kanya kaya naman napataas ang kilay niya.

"Did I over dress?" napatingin ako sa kanya na hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Oo naman yes!" sigaw ko sa kanya.

"Ofcourse not. It's just a zara striped midi dress and a Nike air force sneakers with a white socks, buti nga I wore a Zara sheer white button up para I'm not daring baka you're not comfortable. So basically I'm not over dress! It's just a simple outfit so plain!"

"Ang sakit niya sa ears, like ew! Why so conyo, girl!" panggagaya ni Ash sa tono niya kahit hindi siya naririnig nito. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Nakalimutan mong sabihin yung brand ng bag mo," sarkastikong sabi ko sa kanya kaya naman napangiti.

"Yeah, I forgot," at tumawa siya na parang baliw. "This is the Louis Vuitton Gm Prism Monogram and out of stock na siya."

"Kailangan ba talagang sabihin lahat ng brand?" walang kwentang tanong ko sa kanya habang papasok kami sa coffee shop na pinili niya.

"Yes ofcourse para naman if you want to buy it alam mo na kung saan siya mabibili." Masayang sabi niya kaya naman tipid na ngiti na lang ang sinagot ko.

"Hindi ako gagastos ng daan-daang libo para lang sa damit at lalo na sa pipirasong bag!" at nagmartsa na ako papasok.

"Pwede ka namang magshort or pants na lang para hindi hassle," sabi ko sa kanya.

"Pwede bang ganoon lang ang isuot?" Inosenteng tanong niya kaya naman napailing na lang ako.

"Nagre-review tayo hindi pupuntang fashion show, bruha ka!"

"Yey! May callsign na tayo, bruha!" I just rolled my eyes because of her actions, so childish.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad dahil nauuna siya sa akin, napahinto din ako at napaharap siya. "May kausap ka ba kanina?" nagtaka ako sa tinanong niya.

Serendipity ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon