TWENTY👻

40 3 0
                                    

WARNING! UNEDITED!

*****

"Frances, saan mo gustong pumunta sa bakasyon?" masayang tanong ni Mommy, napatingin ako sa kanya na parang nalilito pero nginitian niya lang ako.

"Why mommy? May namiss po ba akong events?" takhang tanong ko kaya naman natawa siya pati na rin si Daddy na kararating lang. Umupo silang dalawa sa tabi ko para magpantay kaming tatlo.

"Syempre naman kailangan nating i-celebrate ang pagiging top mo sa klase. Hindi natin pwedeng balewalain ang mga ganiyang achivements dahil pinaghihirapan para marating ang posisyon na iyon!"

"Okay lang po kahit saan basta po magkakasama tayo. I love you mom and dad."

"I love you more baby." sabay na sabi nila habang nakayakap sa akin. "Always remember that." Bulong ni Daddy kaya naman mas lalo akong napayakap ng mahigpit sa kanilang dalawa.

M

asayang-masaya na ako dahil sa dalawang mahalagang taong kaharap ko ngayon. Pero sabi nga nila may kapalit ang kaligayahang nararamdaman ng bawat isa, katulad ko.

"Mooooom! Daaaaaad!" Nang marinig ng magulang ko iyon ay napatingin sila sa akin ng may awa kaya nginitian ko na lang sila lagi naman ganyan. Ako ang bunso pero ako ang umiintindi sa ate ko.

"Mom!" sigaw ulit ng boses kaya mabilis na umalis silang dalawa na nasa harapan ko lang kanina.

Sinundan ko kung saan sila pumunta pero hindi ako nagpakita dahil ayoko ng gulo. Ayoko ding magalit si Ate sa akin.

Nakita ko si Ate na masayang pinapakita ang mga papel sa parents namin. Hindi ko alam kung anong problema sa akin ni Ate basta ayaw niya akong makita at sobrang inis siya sa akin, kinukuha ko daw kasi ang atensyon ng parents namin.

One time, nakita niyang binigyan ako ni Daddy ng pasalubong nagsisigaw siya at gusto niyang kunin yung binigay sa akin kahit na meron na siya. Hindi pumayag si Daddy kaya tumakbo siya sa kusina, hiniwa niya ang sarili niyang kamay at sinabing ako ang may kasalanan.

"What are you doing here?" Nagulat na lang ako dahil sa pagsigaw niya kaya nakita ko siyang nakatingin sa akin habang ang mga magulang namin ay nakatingin sa akin na may awa sa mga mata.

"I-im s-sorry," sabay takbo ko papuntang kwarto ko.

-

Second year high school. Mas lalong naging malupit si Ate sa akin. Kapag may nakikita niya akong may kausap o kumausap sa aking lalake ay magsusumbong siya at sisiraan ako sa mga magulang namin. Ayaw sumama ang loob ni Ate kaya naman papagalitan nila ako at pagkatalikod naman niya ay hihingi ng tawad ang magulang namin.

"Frances," tawag ni Asher sa akin kaya napalingon ako sa kanya at nakita naman ang ate kaya mabilis akong umalis.

Gusto akong ligawan ni Asher kaya lang hindi ako pumayag dahil bata pa kami at pinagbantaan ako ni Ate na kapag kinausap ko siya ay magpapakamatay siya. Ayokong mangyari iyon kaya naman todo iwas ako sa lalaki kahit na may gusto din ako sa kanya.

Kahit todo iwas na ako kay Asher ay hindi niya ako tinigilan at naging kami. Magdadalawang buwan tumagal ang relasyon namin kahit na patago lang. Kuntento na kaming dalawa. Kaya lang noong magse-celebrate na kaming dalawa para sa second anniversary namin biglang nagpakita si Ate at nilaslas ang sarili niyang kamay.

Serendipity ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon