TWO👻

108 11 19
                                    

WARNING!!UNEDITED!!

*****

MAAGA akong umalis ng bahay para puntahan ang trabaho ko. Isama na natin ang dahilan para makatakas sa mala-armalite na bibig ni Aling Taring, alam kong masamang tumakas pero gagawan ko naman ng paraan para makabayad sa kanya kaya nga kahit na pagod ako ay maagang makaraket. Mabuti na lang, sabado ngayon kaya naman makakapaghanap ako ng bagong trabaho dahil natanggal ako sa mga trabaho ko dahil mas binigyan nila ng pagkakataon ang mga full-time.

Bukod kasi sa pagta-trabaho ko sa library tuwing weekdays para sa pagaaral ko ay nagta-trabaho din ako bilang babysitter sa kaibigan ko at dahil gusto kong makapag-ipon para sa college ko, para na rin sa pangaraw-araw na gastusin ko.

"Good Morning, sisteret!" bati ko kay Aly na isang single mom na kaibigan ko habang binubuksan ang pinto ng condo na tinitirahan nila. Ngumiti naman siya sa akin at hinila na ako papasok sa loob.

"Good Morning too, sisteret. Sorry kailangan ko ng umalis dahil late na ako sa work. Babye!" sabi niya na halata namang nagmamadali na kaya hindi ko na siya pinigilan. Hinalikan niya lang ang anak niya na huling pagkakataon at tumingin sa akin habang nakangiti, kumaway pa ito atska na siya umalis.

"Alam mo ba Rafa ang galing ng Mommy mo, kahit na wala si Daddy ay ginagawa niya pa rin ang lahat para mapalaki ka ng maayos. Hindi ka pa nga naglalakad ay mayroon ka na agad pera sa bangko para sa pagaaral mo. Sana katulad ng Mommy mo ang mga magulang, kahit na mag-isa lang ay sinisikap magkaroon ng magandang buhay ang mga anak nila." hindi katulad ng mga magulang ko. Tanging pagtawa lang ang naririnig ko kay Rafa.

Buong araw, wala akong ginawa kung hindi bantayan si Rafa. Naglinis na din ako ng buong bahay dahil alam ko'ng pag-uwi ni Aly pagod siya sa trabaho. Dala ng pagod ko nakatulog na ako sa sofa habang si Rafa naman nasa crib na at natutulog.

Nagising ako ng may tumatapik sa pisngi ko kaya naman napatayo ako ng maayos kahit na nakasarado pa ang mga mata ko.

Na'ng maiproseso na ang mga impormasyon napamulat ako sa gulat. "Fish! Sorry Sis nakalimutan ko ang alaga ko. Huhuhuhu hindi ko sinasadya--hhmmp!" Hindi na niya ako pinatapos dahil tinakpan niya ang bibig ko at nginuso ang crib ni Baby Rafa, mahimbing na natutulog kaya naman napangiti ako at napatingin sa kanya na nakangiti rin.

"Mukha kang tanga diyan! Okay lang yon atleast natapos mo lahat ng dapat na gagawin ko pagka-uwi ko. Ang laking tulong no'n. Pwede na akong makatulog nito katabi ng baby ko. Pagod na pagod ako!" panghihimutok niya pero mahina lang dahil nga tulog na si Rafa.

"Wala kasi akong magawa kaya kung ano-ano na ang ginagawa ko para malibang at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako." pagpapaliwanag ko kaya napatango nalang siya.

"O sige kain ka muna bago ka umalis. May dala akong pagkain. Wait ka lang d'yan para mapaghanda kita." sabi niya pero pinigilan ko na siya bago pa siya makapunta sa kusina.

"Hindi na sis, kailangan ko pang maghanap ng trabaho dahil sinisingil na ako ni Aling Taring kaya una na ako." paalam ko sa kanya.

"Osya sige, alam ko namang hindi nakita mapipigilan. Eto na pandagdag sa ipon mo. Ingat ka baka madapa ka lampa ka pa naman." may halong pagbibiro na sabi niya kaya napanguso nalang ako.

"Hindi na ako magtataka kapag nangyari yon." pagbibiro ko din. Nagpa-alam na ako para marami akong oras para makahanap ng trabaho.

Serendipity ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon