WARNING! UNEDITED !
*****
"NA-MISS---," hindi niya tuloy ang sinasabi niya pagkabukas ko ng pinto. Ang kanina lang na masaya niyang mukha ay napalitan ng hindi pagkagusto sa nakikita niya ngayon. Tiningnan niya ako kaya naman nginitian ko lang siya at mapailing na lang.
"Pucha naman! Isang araw lang akong nawala bakit ganyan na naman apartment mo, wala pa ngang isang araw na hindi tayo magkasama. Pucha! Feeling ko hindi ka tao, daga ka, daga!" Paghihimutok niya habang pumapasok sa apartment. Makikita mo din sa mukha niya ang pandidiri kaya naman napasimangot ako. "Judgemental mo!" Sigaw ko dito kaya naman sinamaan niya ako ng tingin kaya napaiwas na lang ako. Hindi ko na hinintay na sumagot ang asungot dahil pumasok na ko sa kwarto ko. Marami akong kailangan gawin at tapusin.
Nakahubad na ako ng damit nang bumukas ang pintuan, hindi katulad ng ibang babae na sisigaw ako tinignan ko pa yung walang modong gagong nagbukas ng pinto nang hindi kumakatok. "Pucha, talaga naman o! Boldstar ka ba talaga? Hubad nang hubad?" Singhal niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bobo ka naman! Uso kayang kumatok. Baka naman hindi mo alam?" lumapit ako sa pinto at pinakita sa kanya kung paano kumatok habang siya hindi makatingin sa akin.
"Problema?" singhal ko kaya lang hindi pa rin siya makatingin kaya napatingin naman ako sa sarili ko.
Packingtape! Hindi pa pala ako nakapagbihis ng damit at naka-bra lang ako, nakakahiya, putspa!
"Magbihis ka na!" galit na sigaw niya sabay sarado ng pintuan ng malakas.
Nagbihis na ako ng mabilis na mabilis bago pa pumasok ulit yung multo na hindi marunong kumatok, wala pa nga pala siyang pangalan.
Napag-isipan kong mamaya na lang ako kakain, tatapusin ko muna yung group project na naging individual na. Hindi naman mahirap dahil napag-aralan naman namin at wala na akong poproblemahin dahil nabigay na ng mga kagrupo ko.
Hindi ko namalayan na bukas ulit yung pinto kaya naman tuloy-tuloy lang sa pagpasok ang multo at naupo sa maliit kong kama. Napatingin ako sa kanya, bakit parang tao naman siya sa paningin ko? Kung hindi lang ako lumalagpas sa katawan niya hindi ako maniniwalang multo siya.
"Gusto mo'ng pangalan? Nalilito kasi ako kung anong itatawag ko sa'yo pero kung gusto mong tawagin na lang kitang gago, multo o jerk okay lang naman sa akin---," mag-e-explain pa sana ako kaya lang biglang inilapit niya mukha niya sa mukha ko kaya nagulat ako at nakalimutang magsalita. Nakadapa kasi ako dahil kaharap ko yung laptop at mga papel habang siya umupo sa lapag ng kama ko umupo kaya magkaharap kami, dahil doon walang kahirap-hirap niyang iniharap ang mukha niya sa mukha ko.
"Please, please! Kahit mukha akong asong binibigyan ng pangalan wala na akong pakialam, soooo what's my name?" nagsisigaw na sabi niya habang nagpapacute sa harap ko.
"H-hindi, joke lang pala," pagbabawi ko kaya naman bigla siyang nalungkot. Ang daya, kapag siya nalulungkot at nagpa-pout ang cute pa rin bakit yung iba mukhang ewan.
Lumayo ang mga timgin niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya, wala talaga sa hitsura niya na isa siyang mulyto. "Kain ka na muna bago mo gawin lahat ng dapat mong gawin, kailangan magkalaman tiyan mo para makapag-isip ka ng maayos." sabi niya atsaka niya ako tinalikuran. Naawa naman ako sa kanya, para siyang asong hindi pinagbigyan ng buto.
Napahiga ako sa kama at tinaas-taas ang kamay at paa. "Tinatamad ako!" sigaw ko kaya naman binagsak niya yung pinto sabay tingin ng masama sa akin.
BINABASA MO ANG
Serendipity ✔️
Teen FictionPapaano kung makatagpo ka ng isang makulit, isip bata at pervert, take note isa siyang multo. Makakatagal ka kaya? Ang boring mong buhay nagkaroon ng kulay dahil sa dami ng adventure and thanks to him. Nang dahil sa kakulitan niya naging masaya ka b...