WARNING! UNEDITED!
*****
“Hindi ka lalabas d’yan?! Kiara!” pinakinggan ko lang ang boses at hindi gumalaw sa pwesto ko, ilang sandal lang narinig ko ang yabag na nawawala kaya alam kong umalis na ang taon hanggang ngayon binubulabog ako.
“Hoy bruha!” bigla na lang akong nagtalukbong ng kumot nang marinig ko ang boses na papalapit na sa akin. Hindi na ako magtataka kung bakit niya nabuksan ang kwarto ko dahil siya ang nagmamay-ari ng condo.
“Hayaan mo muna kaya ang kaibian mo? Baka naman gusto niya ng kaunti pang oras para makapag-isip.” Bulong ni Noe kaya lang alam kong hindi na siya papakinggan ng kaibigan ko. “Anong kailangan ng kaunting oras? Tanga ka ba? Isang linggo na siyang nakakulong sa kwebang kwarto na ito at hindi lumalabas, hindi ko nga alam kung kumakain pa ‘yan o naliligo man lang.” singhal niya sa kasama niya na nananahimik na. lagi naman siyang ganiyan, parang si Ash kapag may hindi na kami pagkakaunawaan at medyo tumataas na ang boses ko nananahimik na lang siya para daw hindi na mapahaba ang usapan. Ang mga babae pagdating sa pakikipagdebate magaling at maraming nasasabi kaya naman tahimik na lang kaming boys, nagbibirong sabi niya pa.
“Hoy bruha, tigilan mo na ako sa kaartehan mo at baka masabunutan kita d’yan para lang lumabas ka dito.” Napunta na sa akin ang atensyon kaya naman wala na akong magawa kung hindi alisin ang kumot na pinagtataguan ko.
“Yaaaaaah!” sigaw ko sa taong nanghihila sa akin para makatayo.“Hoy sumusobra ka na! maligo ka doon at may pupuntahan tayo!”
Napahinto na naman ako sa pagtayo nang pagmasdan ko ang paligid, ang tahimik at ang gulo na. “Hoy bruha, bakit ka umiiyak?” hindi ko siya pinansin dahil patuloy lang ang pagikot ng paningin ko. “Nagkalat na ako para naman pagalitan niya? Bakit wala ng gumugulo sa akin tuwing umaga? Wala na akong kasama tuwing gabi para manood ng movie! Wala ng nagluluto ng makakain ko! Nangako siya na hindi niya ako iiwan hangga’t kailangan ko siya, kailangan ko pa siya eh!” bigla akong nakaramdam na buhos ng malamig na tubig sa mukha ko kaya naman napatingin ako at nakita si Andrea na nakataas na ang mga kilay habang naiinis na kay Noe dahil sa pagpigil sa kanya.“Tingin mo magiging masaya si Ash kapag nakita ka niyang ganyang kalagayan at nagiging ganyan ka dahil sa kanya? Gaga ka! Mas magagalit yun!” umiling ako habang pilit na pinupunasan ang mga luha ko na hindi na tumigil sa pagbuhos. “Kapag nakita niya ako mag-aalala siya at hindi na niya na talaga ako iiwan!” ngumisi lang siya sa akin habang nakatingin ng masama sabay hila sa akin paalis sa kama at dinala sa bathroom. “Huwag mo kong artehan at hindi ako yung gagong multo na ‘yun!”
“Correction tape, gwapo not gago!” sigaw ko habang ginagaya ang tono ni Ash habang sinasabi niya iyon sa akin, dahil doon ay napaiyak lalo ako.
"Hoy hinayupak ka talaga! Lumayas ka talaga dito! Baka nakakalimutan mong may sinabi kang masama sa kaibigan ko kaya layas!" Dinig kong sigaw ni Andrea kaya naman napailing na lang ako.
Pumunta na ako sa bathtub na puno ng sabon na may mga rosas, alam kong si Andrea ang naghanda nito dahil kanina pa siya nagsasalita na pinabayaan ko na raw ang sarili ko dahil sa isang lalaki.
Nang marinig ko na ang pagrereklamo ni Andrea binuksan ko na ang shower para kahit papaano ay hindi ko na marinig ang boses ni Andrea na kanina pa tanong ng tanong kung tapos na siya o kung anong ginagawa niya sa loob. Masyado ng paranoid ang kaibigan ko kaya naman mabilis kong tinapos ang pagligo at baka pumasok na lang siya sa loob kahit na nakahubad ako.
Parang guminhawa ang naramdaman ng kaibigan ko nang makita niya na akong lumabas. "Sa wakas, lumabas ka na din!" May halong sarkastikong sambit niya. "Ang bilis ko lang naman maligo."
BINABASA MO ANG
Serendipity ✔️
Teen FictionPapaano kung makatagpo ka ng isang makulit, isip bata at pervert, take note isa siyang multo. Makakatagal ka kaya? Ang boring mong buhay nagkaroon ng kulay dahil sa dami ng adventure and thanks to him. Nang dahil sa kakulitan niya naging masaya ka b...