EPILOGUE👻

50 2 0
                                    

WARNING! UNEDITED!

*****

NAPABUNTUNG-HININGA ako nang makita ko kung gaano kakalat ang kwarto ko ngayon.

"Dapat kasi nagligpit na lang ako kaysa sa magparty!" naiinis na bulong ko sa sarili ko habang sinisimulan ko na ang pagligpit sa kalat sa paligid ko.

Hubby calling....

Napatalon ako dahil sa tuwa kaya naman muntik na naman akong madapa sa kakamadali.

"Hubby!" Sigaw ko pagkasagot na pagkasagot ko. Pero wala naman akong marinig kung hindi ang hagikgikan.

Napataas ako ng kilay. "Asher James Ordoñez!" may halong pagbabantang sigaw ko kaya naman nakarinig ako ng bulong sa background nila.

"Ginalit mo po siya Daddy!"

"Patay tayo sa Mommy mo."

"Bakit kasali ako? Ikaw po yung may kasalanan."

Napailing na lang ako sa mga naririnig ko. "Guys? Nag-aayos ako ng gamit ko."

"See? Sabi ko sayo uuwi na si Mommy. Ang ibig sabihin lang niyan dito na talaga siya kasama natin sa Pilipinas." After that namatay ang tawag na siyang ikinatawa ko.

Ilang segundo lang, nakareceive ako ng message na may photo.

See you soon, Mommy!

The message said then a wide smile of my bunny.

I take a selfie with their gifts then caption, See you soon, my hope.

Itinago ko na muna ang phone ko para makapag-ayos ako ng mabilis dahil mamaya ng gabi ang flight ko.

"Bru.... oo nga pala aalis ka na." hindi ko pinansin ang bagong dating kaya naman naupo siya sa kama ko at tinulungan niya akong mag-ayos.

It's been six years after the incident that changed our life. I am here with Andrea in Paris to take up Fashion Designing and now we're graduated so I can now go home.

After I gave birth with my little bunny, Zainab Hope Ordoñez, I flew to Paris. My parents and Asher's parents decided to finish my study abroad for the better future, Asher's agreed.

He's a businessman, a supportive husband and a loving father to us.

One year hindi nakabisita si Asher sa akin dahil nga kay Hope gusto niya kasing maging safe si Baby bago sila magtravel pero kahit ganoon, binibisita naman ako twice or thrice a month ng mga family ko. Nakakapanibago ang lahat ng nangyayari sa akin pero after a year sumunod si Andrea sa akin kaya kahit na nahirapan akong mag-adjust, Andrea supported me.

"You're excited?" naptingin ako kay Andrea na nakangiti pero sa mata niya, napakalungkot niyang tingnan.

Tumango ako at lumapit sa kanya. "I'm here, always remember that okay?" Hindi siya sumagot at niyakap niya lang ako ng mahigpit.

"I'm sorry kung hindi ko pa maiku-kwento sayo." bulong niya kaya naman mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

Pagkarating niya kasi dito, parang hindi na siya si Andrea na nakilala ko. Bagsak ang katawan niya, hindi na siya mapagbiro at kung ngumiti naman siya ay laging pake.

Hindi ako nagtanong, hinayaan ko na lang siya sa gusto niya dahil ayokong pilitin siya kung hindi siya handa.

Lagi din siyang nagpa-party pero hindi naman niya ako sinasama dahil bad influence daw siya sa akin.

Laking pasasalamat ko, medyo nagbago na siya noong bumisita sila Asher, ang pamilya niya at pamilya ko kasama si Hope. Just like my baby's name she gave hope to her Auntie. Sabi pa nga niya noong makita niya ito. "This can't be. I should change myself into a better one to be a role model to my inanak."

"Hindi ka pa rin ba uuwi?" tanong ko sa kanya pagkatapos naming mag-iyakan.

Umiling siya at ngumiti. "After a week na lang siguro. Wala pa akong gift sa Prinsesa natin at kailangan ko ding ayusin lahat ng hindi ko naayos. Gusto kong maging role model ako sa maliit na Prinsesa."

Napangiti ako sa sinabi niya. Spoiled na spoiled ang anak ko sa mga taong nakapaligid sa kanya lalong-lalo na sa mga Lola at Lolo niya. Sa kanya ibinaling ang atensyon ng lahat para hindi nila maalala si Aiden....Aiden, I miss him.

Nagkwentuhan lang kami ng kaunti bago siya magpaalam sa akin dahil may pupuntahan pa daw siya. Before she left I warned her not to do somwthing stupid but she just laughed at me. Bruha talaga!

Napatingin ako sa huling pagkakataon sa tinuluyan ko ng apat na taon. I'm gonna miss this place but I should go home already to my real home. Masyado ng mahaba ang pagmumukmok ko.

Napatingin ako sa side table at nakita ang envelope na matagal kong hindi nabuksan. This is letter is from Aiden. I just get it and put in my pocket, mamaya ko na lang babasahin kapag nasa plain na lang ako. Gusto ko ng makita ang mag-ama ko.

-

Kiara Frances Ordoñez,
Sweetheart

Ang ganda ng pangalan mo, ang gandang basahin pero siguro mas magiging maganda yan kung ako ang nakapangalan dahil nauwi tayo sa kasalanan. Hindi biro lang.

Huwag mong ipapabasa ang lab letter ko sayo sa Kuya ko, masyado ng siyang nasaktan at ayoko na siyang saktan dahil mahal na mahal ko siya (huwag mo ulit ipabasa baka naman kiligin ang gago!)

Kamusta ka na? Kamusta na ang pamangkin ko? Alam ko namang nasa mabuti kayong kalagayan dahil itinadhana kayo sa tamang kamay. Alam kong mamahalin ka ng Kuya ko higit pa sa pagmamahal na ibinigay ko sayo, doble pa dahil sa magiging anak niyo.

Sweetheart, alam kong hanggang ngayong binabasa mo pa rin ito may nararamdaman ka pang kaunting kirot pero isipin mong nasa maganda na akong buhay at hindi na ako nahihirapan pa. Masaya akong pinapanood ang mga nangyayari sa mga mahal ko sa buhay at nalulungkot din sa mga problemang kinahaharap niyo.

And by the way may susing nakalagay sa envelope, bilisan mong kunin dahil ayaw kong pinaghihintay ang gwapong si Ako.

Nakita mo na? Kasi may mata ka right? Susi yan ng bahay kung saan kita unang nakita noong multo pa ako. Luma na yan pero binantaan ko si kuya na iparenovate yan para sa pamangkin ko. Yup para sa pamangkin ko, hindi kay Kuya, hindi sayo kaya huwag kang assumera! Gusto kong kahit wala na ako maramdaman niyang hindi ko siya kinalimutan dahil may naibigay ako sa kanya.

'Itinadhana tayo, hindi bilang magkasintahan.
Kung hindi magkaibigang magtutulungan,
Upang mga pagsubok ay sabay na malalagpasan.
Nang ating maramdaman ang tunay na kaligayahan.

At itinadhana tayo, upang malaman ang kahulugan,
Kahulugan ng buhay at kamatayan,
Para ating pahalagahan, gayundin ingatan,
Ingatan kung anong ibinigay Niya sa atin, sa kasalukuyan.'

Paalam sweetheart, sa muling pagtatagpo ng ating landas para ipagpatuloy ang naudlot nating pagiibigan.

Napangiti ako kahit na patuloy sa pag-agos ng mga luha ko. "Kahit kailan talaga gagong multo ka!" naiinis na natatawang bulong ko.

Tinulugan ko na lang lahat ng mga nabasa ko sa huling salitang binitiwan ni Aiden.

I already know what's the best thing to do, let go - forget - move on.

|PrinsesaIkay 👑|

Serendipity ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon