WARNING! UNEDITED!
*****
"LET'S TAKE a picture!" maligayang sigaw ni Mommy pagkaharap namin sa kanya kaya naman mabilis silang humarap sa aming dalawa.
"Per batch!" sigaw ng photographer kaya naman napasimangot ang lahat dahil nga papunta na sila sa tabi namin.
Family of the bride.
Family of the groom.
Both side.
Friends.
"Gusto ko kaming dalawa ni Bruha!" sigaw ni Andrea habang tinutulak-tulak si Noe.
"Kaibigan din naman ako!" sigaw naman din ni Noe kaya mas nainis si Andrea.
"Ako na nga muna!" sigaw ni Aiden sabay punta sa tabi namin ni Asher. Wala na ding magawa ang dalawa kung hindi ang makigulo sa picture. Hindi ko alam kung may matino bang nakuha si photographer dahil sa likot ng mga kasama ko.
"Sa reception na." sigaw ng wedding coordinator kaya naman napapadyak si Andrea sa inis. Wala pa kasi kaming picture together.
Tinawag ko ang photographer na isa. "Kuya picture pa po kami ng bestfriend ko." At nang pupunta sila Asher, Aiden at Noe sa tabi namin sinamaan ko sila ng tingin kaya napaiwas sila at naupo sa upuan.
Hindi ko alam kung ilanh shots at pose ang ginawa namin dahil sa sobrang arte ni Andrea. Natatawa na lang ang mga boys at ang photographer sa kanya. Hinayaan ko na lang din siya sa gusto niya.
"Hoy babae! Nakakalimutan mo yatang kasal nila, wala kayo sa photoshoot. Mas nauna pa ang mga tao sa reception kaysa sa kinasal!" Pang-aasar ni Aiden kaya naman sa inis ni Andrea sinugod niya ito, mabuti na lang naawat siya ni Noe.
Pinuntahan ako ni Asher sabay hawak sa beywang ko na parang sinusuportahan ako sa paglalakad. "You're tired?" tanong niya kaya naman nginitian ko lang siya.
Medyo may kabigatan ang gown na suot ko, bigla na lang akong nagulat dahil gumaan ito at nang lumingon ako, hawak-hawak na ng tatlo ang dulo nito na para bang tinutulungan ako.
Napangiti ako.
"Anong kailangan niyo?" tanong ni Asher kaya naman sinimangutan siya ng mga ito. "Spill it" bored na sabi niya.
"Wala ng sasakyan kaya naman makikisabay kami sa inyo."
Natawa ako dahil narinig ko ang malalim na buntung-hininga niya.
Kami na lang kasing anim ang natira sa chapel dahil sa mga kaartehan nila, iniwan tuloy sila ng mga kasabay nila na pumunta dito.
"Akala ko pa naman kaming dalawa lang ang magkakasama ni wife yun pala may excess baggage pa rin?" bulong ni Asher kaya inakbayan siya ni Noe na natatawa sa mga ginagawa nila sa kaibigan.
"Pinsan huwag kang sakim!" pang-aasar niya kaya naman naghabulan sila papunta sa sasakyan.
-
RECEPTION. They set up a mini stage with chairs and tables in the front beach. There's bonfire at the side and lots of hanging lights with flowers to give life in the place. That's the reception of my wedding.
"Bruha huwag mo sanang ibibigay sa akin ang bulaklak mo ha?" bulong ni Andrea habang pinapaunta na ang mga babaeng single sa harapan. Single daw siya kaya naman nakisali siya.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Sino kayang makakakuha ng garter?" tanong niya pa sa tabi ko kaya naman napa-iling ako.
BINABASA MO ANG
Serendipity ✔️
Teen FictionPapaano kung makatagpo ka ng isang makulit, isip bata at pervert, take note isa siyang multo. Makakatagal ka kaya? Ang boring mong buhay nagkaroon ng kulay dahil sa dami ng adventure and thanks to him. Nang dahil sa kakulitan niya naging masaya ka b...