TWENTY-NINE👻

31 2 0
                                    

WARNING! UNEDITED!

*****

“Hindi ka pa ba papasok sa pintong ‘yan?!” gigil na sigaw ni Ash habang nakasandal sa pader na nasa malapit sa akin. Napatingin  naman ako sa pintong nasa harapan ko ngayon. Ilang minuto na akong nakarating sa condo ni Boss pero hindi ko magawang kumatok o magdoorbell, tinititigan ko lang siya baka sakaling magbukas mag-isa.

“Packingtape, makaalis na nga!” sigaw ulit niya kaya napatingin ako at akmang aalis siya nang humarap siya sa akin ng may seryoso ang mukha. “Umuwi ka mamaya!” napatango na lang ako ng sunod-sunod. Tumalikod siya sabay lagay ng mga kamay niya sa kaniyang mga bulsa at tinaas niya ang kanan na para bang nagpapaalan ng patalikod.

“Gago!” akala ko hindi niya maririnig dahil ang layo na niya pero humarap pa rin siya, “Correction tape, gwapo not gago!” and he said his famous and deadly line.

Nakatingin ako sa kanya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko doon lang ako humarap ulit sa pinto. Huminga ako ng malalim bago akmang kakatok pero binaba ko din at umiling-iling. Ilang beses kong ginawa ang kabaliwang iyon bago ko sinabunutan ang buhok ko at sa kasamaang palad may dumaan na mag-ina, tinakpan ng nana yang mata ng bata nang dumaan sila sa harapan ko kaya naman dahan-dahan kong binaba ang kamay ko na nasa buhok. Wala sa sarili akong kumatok sa pintong nasa harapan ko.

“Walang tao.” masayang sabi ko pagkatapos kong kumatok ng isang beses. Tatalikod na sana ako nang bumukas ang pinto, napasimangot tuloy akong humarap pero agad naming nawala nang makita ko ang taong nagbukas.

“May tao---Asher!” sigaw ko kaya naman napatingin siya sa akin. Ngumiti siya pero hindi naabot ang kaiyang mata dahil napakatamlay niya at mukhang matutumba na siya.

“M…may kailangan ka? P…pwede bang b…bukas na lang?” hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko siya para makapasok.

“Ano ba! Lumabas ka nga d’yan! Kung pinapunta ka ni Kurt dito pwede bang umalis ka na, hindi kita kailangan.” kung sa ordinaryong araw lang ito nangyari siguradong napayuko na ako  at matatakot dahil sa pagsigaw niya pero imbis takot ang naramdaman ko naging awa ito. Namamaos ang kaniyang boses kaya naman nilapitan ko siya at nakita na nammutla na siya habang pinagpapawisan, nararamdaman kong basa na ng paisa ng damit niya kaya dahan-dahan ko siyang inalalayan papuntang sofa.

“Hindi mo ba ako narinig? Hindi…”

“Boss!” bigla akong tumakbo papunta sa kanya para alalayan siya. Bigla kasi siyang tumayo at hindi nabalanse ang katawan niya dahil wala siyang lakas kaya naman natumba siya.
“Call me Asher, please?” yan ang lumabas sa bibig niya noong nakalapit ako sa kanya dahil sa pagkakaalalay. Napalunok tuloy ako dahil ngayon ko lang narealize na sobrang lapit pala ng mga mukha namin, napalayo tuloy ako sa kanya kaya nabitawan ko siya na nagging dahilan ng pagkakahulog na naman niya sa sofa.

Tatayo ulit siya sa pagkakaupo sa sofa pero kagaya kanina ay hindi kaya ng katawan niya, mabuti na lang nahawakan ko siya bago siya mahulog ulit.

“Alalayan kita para hindi ka mahulog kung saan at maiwasan na masaktan ka.” Natawa siya sa sinabi ko at tumingin sa akin. Ngayon ko lang nakita, pamilyar ang mukha niya parang may kamukha siya na hindi ko maalala. “Sana ginawa ko noon ‘yan sa taong mahal ko, inalalayan ko sana siya hanggang sa kaya ko para hindi siya nahulog sa iba.” bulong niya pero sapat iyon para marinig ng puso ko.

“Minsan talaga, malalaman moa ng halaga ng isang tao kapag nawala na siya sa buhay mo. Tama nga ang kasabihan, nasa huli ang pagsisisi.” Sagot ko naman sa kanya kaya napangiti siya habang inaalalayan ko siyang mahiga sa kama niya.

Serendipity ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon