WARNING! UNEDITED !
*****
"WHAT DO YOU WANT?"
Hindi ko ulit siya pinansin at nagtuloy-tuloy na sa pagkuha ng pagkain na nakahain sa mesa, not sure kung saan galing.
"Hanggang ngayon ba naman hindi mo ko papansinin? Sorry na kasi sa pag-iwan ko sa'yo kahapon, natakot ako sa mga tao,"
Yup, kahapon ko pa siya hindi pinapansin at ginawa na niya lahat para mapatawad ko siya kaya lang walang epekto sa akin.
"You jerk! Bakit ka naman matatakot sa tao, para namang makakain ka nila ng buhay!"
"Yung tingin kasi nila para na akong mamamatay," I just rolled my eyes then smirked at him. "Aish! Why I am talking to you?" Inis na sabi ko dito. Umalis na ako sa harapan niya, hinanda ko na ang magiging lunch ko para hindi ko na makalimutan. Masyadong mahal ang mga pagkain sa canteen parang may sahog na ginto.
"Ginising naman kita iiihhh!"
Again, hindi ko na naman pinansin ang pagiging isip bata niya- hindi porke't cute siya dahil sa pagwawala sa sahig ay papansinin ko siya.
"Ipinagluto din naman kita!"
Yes, ipinagluto niya ako. Pagkarating ko kahapon ay nakita ko na may pagkain na sa mesa plus napaka-linis ng apartment, even the cr kasama sa malinis.
"At panghuli, ginising kita kaya ngayon ay hindi ka na male-late!" Binato ko siya ng bagong plastic pero nakaiwas ang gago.
"Ginising mo ko ng four o'clock! Gago ka! Ang aga-aga mo kong ginising, alam mo namang late na akong natulog kagabi dahil sa pagre-review!" Nginitian niya lang ako bago siya umalis sa harapan ko dahil sa tingin kong kulang na lang mamamatay siya sa sobrang sama.
"Better than early than late!"
"Gago!" Narinig ko na lang ang malakas na halakhak ng panget na gagong iyon hanggang unti-unting nawala.
Napabuntung-hininga na lang ako. "My boring life changed because I met a stranger like him. I don't know if I can cope up if he disappear,"
-
"May sagot ka na sa number one?" umiling ako dito.
"Bes, paano yung number three? Hindi ko siya masyadong gets," humarap ako sa kanya at in-explain ang gagawin pero sa huli ako din naman ang sumagot.
"Alam mo bang ginagamit ka lang ng mga kaklase mo? Syempre ikaw naman payag ka lang ng payag," yan ang sinabi ng pesteng gago (wala pa rin siyang pangalan) pagkaalis ng kaklase ko.
Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa room ko ng hindi napapansin ng mga kaklase ko especially girls, mga hayok pa naman sila sa gwapo.
Nakita ko na lang na nakaupo na siya sa upuan ko-nasa likuran kasi ako kaya hindi agaw pansin.
"Key, pengeng papel," pagkatapos ko siyang bigyan ay umalis lang siya without thanking me.
"Mas mayaman pa sila sa'yo pero sa lagay mo parang mas mayaman ka sa kanila. May pang-starbucks, may pang-liptint at may iPhone na cellphone pero walang pambili ng papel? Putcha!"
"Shut the fuck up, dude," bulong ko dito kaya naman napasimangot siya sa akin sabay harap sa greenboard.
"Okay class, pass your paper, side then forward. Now!" dahil masungit si Ms. T, parang laging menopausal ay sobrang bilis ng pagpasa namin.
BINABASA MO ANG
Serendipity ✔️
Fiksi RemajaPapaano kung makatagpo ka ng isang makulit, isip bata at pervert, take note isa siyang multo. Makakatagal ka kaya? Ang boring mong buhay nagkaroon ng kulay dahil sa dami ng adventure and thanks to him. Nang dahil sa kakulitan niya naging masaya ka b...