TWENTY-TWO👻

25 2 0
                                    

WARNING! UNEDITED!

*****


HINDI PA MAN SUMISIKAT ang araw nang gumising ako. Hindi pwedeng masira ang mga balak ko'ng gawin ngayon. Kahit na pagod ako kahapon dahil buong araw kaming naglinis at nag-ayos, I mean ako lang pala ang nag-ayos multo lang kasi si Ash kaya ang naitulong niya lang sa akin ay ang pagsigaw.

Lahat ng kailangan ko nabili na ng isang lalaking pumunta noong nakaraan kasama ni Andrea. Simula sa personal necessities hanggang sa mga condiments kumpleto lahat kaya wala akong problema kung hindi ako makabili ngayon. I think one month stock yung binili niya kaya thankful ako sa kanya kahit hindi ko kilala.

I did my everyday morning routine. Naligo ako, nagto-toothbrush then nagbihis. Isang white crop top, high waisted shorts with green bomber jacket. For my shoes, a sneakers shoes. Lahat ng isinuot ko bago. Gusto ko mang magsuot kahit na luma lang pero wala akong kahit na isang nakita. Lahat din ng nasa closet ay puro branded clothes.

Kinuha ko na ang isang envelope na binigay ni Andrea noong nakaraan na may diploma, lots of photocopy of my resumé bago lumabas ng kwarto.

Nagulat si Ash sa paglabas ko dahil ready to go na ako. Muntik na siyang mahulog sa kinahihigaan niya sa couch kung saan siya natutulog. Ang matinding bilin kasi ni Andrea bago siya umalis ay huwag na huwag siyang tatabi sa akin sa kama kaya hindi talaga siya tumabi sa akin.

"Saan ka pupunta? Bakit hindi mo sinabing aalis tayo? Kumain ka muna bago ka umalis at ako naman ay magbibihis lang. Wait ka lang dyan!" Umiling-iling na lang ako dahil sa nakikita ko'ng pagkaranta sa mukha niya.

"Bilisan mo," sabi ko sa kanya bago siya umalis papunta kung saan. Kapag kasi nagbibihis siya umaalis siya, tinanong ko naman siya kung saan siya pumupunta kaya lang hindi siya sumagot at napagkamalan pa niya akong gusto ko lang siyang bosohan. Utak talaga.

Kumuha na lang ako ng cereal at fresh milk na nasa fridge. I miss this feeling. Dati kasi eto lang ang kinakain ko dahil hindi naman ako na pagluluto ni Mommy. Ipinilig ko na lang ang ulo dahil sa paglalakbay ko na naman sa nakaraan.

"Nababaliw ka na?" nagtatakang tanong ni Ash na kararating lang. Saan ba nagbibihis ang isang to at mukha na namang tao. Nakaripped jeans siya, kulay itim na v-neck shirt at black na converse shoes.

Tinapos ko na ang kinakain ko at pagkatapos inayos na ang babaunin ko'ng sandwich pati na rin tubig baka kasi magutom ako sa daan.

"Saan ka ba pupunta?" Naiinis na tanong ni Ash kaya naman napatingin ako sa kanya. "Hindi ko pa ba sinasabi sa'yo?" Takhang tanong ko kaya umiling siya. "E bakit nakapagbihis ka na kahit hindi mo alam kung saan ako pupunta?" Hindi na siya sumagot at naupo na lang sa upuan na nasa harapan ko.

"Maghahanap ako ng trabaho. Halika na?" Hindi siya tumitingin sa akin at hindi man niya napansin na tumayo na ako dahil malalim ang iniisip niya.

"Ash?" Wala pa rin siyang kibo kay naupo ulit ako sa harapan niya. "Gagong multo!" at dahil sa pagsigaw ko ay napatalon siya sa gulat kaya naman nahulog siya sa upuan niya.

"Problema mo?" Inis na tanong niya sa akin kaya naman humarap ako sa kanya. "Kung may problema, huwag ka ng sumama sa akin. Ayokong mamroblema sa problema ng ibang tao." Tumayo na ako para ayusin ang gamit ko. May mga listahan na ako ng mga kailangan kong puntahan at mga kailangan kong dalhin naayos ko na noong nakaraan.

Hindi ko na pinansin ang multo dahil ayokong masira ang araw ko at baka magkanda-letse ang buong araw ko. Pero bigla na lang lumitaw ang multo sa harapan ko. "Correction tape, gwapo not gago!" Nakangising sabi niya kaya naman nilagpasan ko na lang siya. Umagang-umaga ang hangin na niya.

Serendipity ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon