FORTY-ONE👻

32 3 0
                                    

WARNING! UNEDITED!

*****

"GUSTO ko ng umuwi." malamig na sabi ko sa dalawa kaya naman napanganga sila.

"WHAT?" tanong nilang dalawa kaya naman tinalikuran ko sila at inayos ang mga gamit ko. "Uuwi na ako." pag-uulit ko dahil akala ko hindi nila narinig.

"I...I mean w-why? Kararating lang natin tapos gusto mo ng umuwi?" naguguluhang tanong ni Andrea kaya hinarap ko sila gamit ang malamig kong tingin. "Narinig ko ang mga pinagusapan niyo."

Nagkatinginan silang dalawa na para bang nagtuturuan kung sino ang magsasalita sa kanila. "Hindi ako nagkakamali. I searched about it." pangunguna ko sa sasabihin nila.

"You need to hear the explanation first." Hinarap ko si Ate. "B-bakit ako hindi ko alam? Bakit kayo alam niyo? Ano to gaguhan lang?!"

"Hey? Bakit ang...what the hell's happening here?" Napatingin kami sa pumasok kaya naman mabilis naming pinahid ang mga luha namin.

"Uuwi na daw si Kiara." walang ganang sagot ni Andrea.

"What the fuck?" gulat na tanong ni Noe kaya naman may kamay na tumapik sa kanya at pumasok si Asher na katulad ni Noe gulat na gulat din siya sa aming tatlo dahil pulang-pula ang mata namin.

"She knows already." yun lang ang sinabi ni Ate pero biglang namutla anh dalawa. "And she wants to go home." pagtutuloy niya na siyang dahilan ng pagkalaki ng mga mata ng dalawang lalaki.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Asher at Noe dahil bigla silang lumuhod sa harapan.

"Huwag kang umuwi. Pakinggan mo siya. Please? Magbabago pa ang isip niya basta kausapin mo lang siya." umiling ako.

"Kung mababago ko ang isip niya dati pa dapat naisip na niyang huwag ituloy ang gagawin niya. Naisip na niya sana na malulungkot ako kapag nangyari ang gusto niya. Alam kong buo na ang desisyon na dahil nandito tayong lahat. Totoong buhay to at hindi teleserye o kwento lang na sa isang iglap magbabago kaagad ang daloy nito. Alam kong alam niyo din na ang ganitong pagpapasya kailangan ng mahabang oras para mag-isip, ginawa niya iyon kaya gagawin na niya ito." Naupo na lang ako sa kama. "Ayokong makita iyon. Buong buhay kong dadalhin kapag nangyari ang gusto niya."

Tatayo na sana ako ng bigla akong nakaramdam ng hilo, huli na para makahanap ako ng hahawakan kaya naman natumba ako. Naramdaman ko naman ang kamay na sumalo sa ulo ko at mga boses na tumatawag sa akin bago ako mawalan ng malay.

-

"Kiara Frances sweetheart, I love you I always do." Narinig kong may bumulong malapit sa akin kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

"Aiden?" tanong ko nang makita ko siya sa gilid ng kamang kinahihigaan ko.

Pumunta siya sa harapan ko at ngumiti, ngiting may nakatagong kahulugan na hindi ko alam kung para saan. "Okay ka na?" tumango ako sabay ngiti.

"Lakad-lakad tayo?" napataas ako ng kilay sa sinabi niya kaya naman natawa siya nang marealize niya ang sinabi niya. "What I mean ikaw ang maglakad, ako naman sakay ang wheel chair ko."

Napatingin ako sa suot ko, nakita kong ang damit ko pa kagabi ang suot ko ngayon kaya naman napatingin ako sa kanya at ngumiti naman siya, hobby niya na talagang ngumiti. "Take your time."

Serendipity ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon