WARNING! UNEDITED!
*****
"KINAKABAHAN na talaga ako," naiinis na ako sa katabi ko dahil kanina pa niya sinasabi na kinakabahan siya kaya naman pati ako kinakabahan na din. Halata naman sa kanya na kinakabahan siya, hindi naman niya kailangan sabihin.
Naiinis na napatingin ako sa kanya pero agad din nawala ang inis ko at napalitan ng awa dahil nakita kong kinakabahan talaga siya. Napabuntung-hininga na lang ako. "Nag-review ka ba?"
Ngumiti naman siya na kahit na kinakabahan. "Ofcourse yes. Nag-review tayo di ba? Did you forgot na?"
"Burn, baby burn!" sigaw naman ni Ash na nasa tabi ko kaya naman tiningnan ko siya ng masama at ngumiti lang ang multo.
"Isang linggo tayong nag-review bruha ka, huwag na huwag mong sasayangin yun!" bulong ko na may halong pagbabanta.
"Noted. Noted." sagot niya habang nagbabasa ng notes na ginawa niya. Kinuha ko, tinignan niya akong ng masama, para namang natapunan ko yung suot-suot niya.
"Don't review. Sabi ko sa'yo magpahinga ka na at baka mapagod yang utak mo, bruha ka!"
"I can't help!" Sigaw niya. "Falling in love with you!" pagpapatuloy naman ng isa pang peste kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"What's your outfit today?" pag-iiba ko sa topic para matuon yung atensyon niya sa ibang bagay at baka mag-overload na utak niya, maliit pa naman.
"Oh, yes! This is a high neck crop top, green skirt with black belt and I paired it with black boots. I'm cute right?"
"No brands? You're cheap already?"
"Ofcourse not! Binili to ng personal shopper ko dahil busy nga ako last week. I will know naman if hindi branded my clothes because my skin will get irritated!"
Napatingin naman ako sa suot ko, naka-cargo pants lang ako with white over size shirt that I tied to make it short and I partner my white converse to make my outfit done. It's presentable.
Pinayagan kasi ng school na hindi muna kami mag-uniform para less hassle dahil finals na nga lang namin at wala ng masyadong ginagawa.
Isang linggo na din kaming magkakasama; ako, si Andrea at si Ash. Malapit na nga akong tumanda dahil sa kakulitan nilang dalawa kahit na hindi naman sila nagkikitang dalawa. Sumasakit ulo ko lalo na ngayon na nagre-review at tinatapos lahat ng projects before the finals.
Isang linggo na rin kaming nag-review. Nag-review kami kung saan-saan, nalibot na yata namin lahat ng coffee shop dahil sa mga kaartehan na nalalaman nitong kasama ko.
"Omigash, omigash!" 'yan na naman siya. I just rolled my eyes with her reaction and heard the gasps of the ghost at the side.
Mabuti na lang dumating na si Ms. Yna kaya napaayos kaming lahat ng upo. Si Ms. Yna, siya yata ang magbabantay sa amin at siya ang pinakamalalang taga-bantay sa lahat ng teacher. Tahimik lang siya, nagmamasid pero kapag nahuli ka niyang nangongopya pupunta siya sa'yo at pupinitin sa harapan ko ang test paper mo at yung kinopyahan mo. Nag-sample siya last sem sa amin kaya nagdadasal mga kaklase ko na hindi siya ang magbantay kaya lang malakas yata ako kay Lord dahil pinakinggan niya ako, kapag kasi hindi si Ms. Yna may opportunity mga kaklase ko na kumopya sa akin.
"Relax ka lang bruha! Huwag oa!" sabi ko sa kanya sabay palo ng kamay niya, magkatabi kasi kami pero medyo malayo sa isa't-isa. Akala ko sisigaw siya kaya lang nagpasalamat pa siya sa pagpalo ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Serendipity ✔️
Teen FictionPapaano kung makatagpo ka ng isang makulit, isip bata at pervert, take note isa siyang multo. Makakatagal ka kaya? Ang boring mong buhay nagkaroon ng kulay dahil sa dami ng adventure and thanks to him. Nang dahil sa kakulitan niya naging masaya ka b...