FIVE👻

84 9 14
                                    

WARNING! UNEDITED!

*****

"ANONG ginagawa mo sa bahay ko!" sigaw ko kaya naman nagulat ang lalaking epal na nakatayo sa nag-iisang bintana ng apartment. At dahil sa pagsigaw ko nabigla siya kaya napaupo siya, muntik na nga akong matawa kaya lang pinigilan ko kasi nga galit ako.

"Packingtape! Bakit ka biglang sumisigaw? Hindi ba uso sa'yo ang 'Before you enter you should knock' thingy!" sigaw niya sa akin kaya naman napataas ang kilay ko. Aba! Siya pa ang may ganang magalit hindi naman sa kanya bahay to, stupid jerk!

"Hoy lalaking hindi ko alam kung saan nanggaling sa pagkakaalam ko bahay ko ito kaya wala kang karapatang sumigaw! Ikaw, bakit ka nandito? Akyat bahay ka ba o budul-budul gang? Kung ano ka man sa mga iyon sorry, pero wala kang makukuha sa akin!"

"Una sa lahat sorry sa pagsigaw, nagulat lang ako kaya napagtaasan kita ng boses." I smirked and he smiled.

"Excuse me babaeng microphone ang bibig hindi ako akyat bahay at budul-budul gang sa gwapo kong to isa ako don? Fish! Don't say the obvious dahil halata naman na wala akong makukuha sayo except one," nakakalokong sabi niya sabay ngisi at lapit sa akin.

"You stupid ugly j-jerk. D-don't you d-dare," nauutal na sabi ko habang paatras ng paatras pero siya umaabante ng umaabante. At kagaya ng mga movies ay na corner niya ako at wala akong nagawa kung hindi ang pumikit nalang.

Ilang segundo akong nakapikit pero walang lumalapit na labi sa akin kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ang stupid jerk na papunta na sa kusina kaya naman nagalit ako. "You stupid ugly jerk, what are you doing in my house!" sigaw ko kaya naman napalingon siya sa akin na nakangiti.

"Masama ka palang binibitin?" Pang-aasar niya kaya naman mas lalo akong nagalit. Magsasalita na sana ako na'ng iharang niya ang kamay niya sa mukha ko para pigilang magsalita.  "Anyways ang pangit ng bahay mo ang dumi parang hindi bahay ng babae. Tss kaya siguro wala kang boyfriend." That's not a question, that's a statement! Packingtape!

"A-abat--- jerk bitawan mo yan!" Sisinghalan ko pa sana siya na'ng nakita ko ang hawak-hawak niya ngayon.

"Fish! Black panty, cute and attractive. I like that." ngising sabi niya at kinindatan niya pa ako kaya naman nainis ako. Kinuha ko ang hawak niyang panty ko. Biglang nag-init yung mukha ko at bigla akong kinindatan.

"You're blushing. Packingtape, so cute!" sabi niya at bigla na lang siyang umalis sa harapan ko.

"Hindi ako aso!" sigaw ko.

Nakakainis talaga yung lalaking yon. Makatulog nga muna para mabawi ko yung lakas ko.

"Psssst!"

No Kiara just sleep, pagod ka at kailangan mong magpahinga.

"Pssst!"

Fish! Hindi ba pwedeng magpahinga ng buong araw.

"Pssst!"

"Anong kailangan mo? Pwede ba tumahimik ka dahil magpapahinga ako may trabaho pa ako mamaya. Kung wala kang magawa feel free to leave!" sigaw ko kaya nabigla siya at napangiti ng malungkot.

"Sasabihin ko lang naman na kumain ka muna bago matulog. Naghanda ako sa kusina dahil masamang matulog ng walang laman ang tiyan mo,"

-

Guilt. Yan ang nararamdaman ko hanggang ngayon habang kinakain ang hinanda niya sa akin.

Serendipity ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon