WARNING!! UNEDITED!!
*****
"PAGOD na ako!" sigaw ng multo na kanina pa nagrereklamo. Wala na siyang ibang ginawa. Wala namang naitutulong.
"Wala ka namang ginagawa kung hindi magsalita nang magsalita," singhal ng katabi niyang driver. Lahat ng tao dito, nakikita na siya kaya hindi na ako mukhang baliw mag-isa, tatlo na kami. Hindi ko lang alam kung bakit at paano basta nalaman ko na lang na nakikita na nila si Ash nung isang araw pa.
"Yun na lang kasi ang kunin natin okay lang naman yon," sabi ko kay Andrea na kanina pa tahimik at naghahanap. Siya kasi ang dahilan kung bakit kanina pa kami paikot-ikot pero wala pa rin kaming mahanap na magiging apartment ko, ang arte niya kasi.
"Masyadong maliit,"
"Isang talon mo lang magigiba na to!"
"Ang baho naman nito!"
"Gosh! Ang mahal-mahal tapos ang liit lang!"
Sinasabi niya lahat iyon sa harapan ng mga may-ari ng apartment kaya naman tinitignan siya ng masama ng mga ito, kulang na lang ay itakwil kami dahil sa walang prenong bibig nito. Wala namang pakialam ang kaibigan ko'ng ito, gusto niya daw na maayos ang tutuluyan ko lalo na at multo lang naman daw ang kasama ko walang kahit anong kayang gawin kapag napahamak ako. Yun yung dahilan kung bakit napagod si Ash dahil dumaldal siya nang dumaldal, hindi naman siya pinapansin ni Andrea.
"Pumunta na lang tayo sa bahay. Doon ka muna para makapagpahinga tayo." kanina pa siya tahimik kaya pumayag na lang kami. Kanina ko pa tinitingnan yung driver namin, may kamukha kasi siya hindi ko na nga lang maalala kung saan ko nakita o kung kailan.
"Do I know you?" Tanong ko sa driver kaya napahinto siya.
Tumingin siya sa akin gamit ang rearview mirror, "Ilang beses mo na yang itinanong?" Napakunot ang mga kilay ko sa tanong niya. "Dalawa?"
"Ilang beses mong tinanong sa nauna?"
"Wala na siyang tinanong! Pinaiikot mo lang kaibigan ko. Kung ayaw mong sabihin edi wag, ang dami mong arte!" sigaw ng katabi ko kaya naman natawa lang yung driver at pinagpatuloy ang pagmamaneho.
"Qiqil si Ate mo?" dahil sa tanong ni Ash bigla ulit huminto.
"Shut up! Will you?" sigaw naman ni Andrea. "Bumaba muna kayong dalawa sa sasakyan at mag-uusap lang kami." Mabilis naman kaming bumaba. At pagkababa namin ay sumigaw na ng sumigaw si Andrea.
"Lakad muna tayo? Sa tingin ko mamaya pa sila titigil." Pumayag na lang ako dahil ayokong marinig na sumisigaw si Andrea baka makisali pa ako sa gulo nila at lalo pang gumulo.
"Bakit nakikita ka na ng dalawang kasama natin? Ibig bang sabihin niyan nakikita ka na ng lahat ng tao? Hindi na ako magiging baliw sa paningin nila?" Bigla kaming natawa nang may nakita kaming mag-ina na tumakbo dahil nagsasalita akong mag-isa.
"Ang sagot ay hindi,"
Naupo kami sa isang kahoy na upuan na nasa ilalim ng puno. Malapit lang sa sasakyan, ayaw ko ng lumayo masyado ng malalim ang gabi.
"Nakita ko sa internet na kapag nakikita mo na ang isang multo it's either nagpapaalam na siya o nagpapaalam na siya sa'yo," hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya.
"Ang galing ng pagpipilian?" Natatawang sagot niya sa sarili niya dahil hindi ko siya pinansin."H-hindi mo naman ako iiwan, hindi ba? Nangako ka!" Hindi niya ako tinignan at ngumiti lang siya habang nakatingin sa langit.
"Kung mawala ako, tingin ka lang sa kalangitan dahil nandoon ako binabantayan kita. Ngumiti ka dapat at huwag sumimangot dahil panget ka na nga papanget ka pa? Hustisya naman sa sarili mo." sabay turo niya sa maraming bituin na iba't-ibang hugis at liwanag.
BINABASA MO ANG
Serendipity ✔️
Teen FictionPapaano kung makatagpo ka ng isang makulit, isip bata at pervert, take note isa siyang multo. Makakatagal ka kaya? Ang boring mong buhay nagkaroon ng kulay dahil sa dami ng adventure and thanks to him. Nang dahil sa kakulitan niya naging masaya ka b...