WARNING! UNEDITED!
*****
NAGISING na naman ako sa isang mabangong amoy pero hindi katulad noong isang araw na isang pabango, ngayon kasi isang mabangong sinangag. Nag-away tuloy ang mga bulate ko sa tiyan dahil sa gutom. Wala akong magawa kung hindi tumayo na kahit nararamdaman ko pa rin ang pagod at antok. Nakalimutan ko din na hindi pala ako nakakain kagabi dahil sa paghihintay kay Ash. Hanggang madaling araw akong gising pero hindi siya dumating.
Inayos ko ang sarili ko. Naghilamos at nagto-toothbrush ako pati na rin nagsuklay bago lumabas ng kwarto.
"Good Morning!" masayang salubong ni Ash pagkalabas ko ng kwarto habang naka-apron pa rin at may nakaguhit na ngiti sa kaniyang mga labi, nawawala tuloy yung mata.
"Good Morning?" alanganing sagot ko dahil nakaramdam ako ng hiya. Naiisip ko kasi ang nangyari kagabi pero parang wala man sa kanya dahil sa masayang aura niya.
Itinuro niya ang upuan kaya naman umupo ako at napanganga ako dahil sa nakita ko. Ang daming foods. Bacom, hotdogs, toasted bread, pancakes with honey and strawberry on top. Yummy!
Umupo naman siya sa isang upuan na kaharap ng upuan ko. "Sorry pinag-alala kita kagabi. Hindi ko din sinadya ang mga sinabi ko." napatigil tuloy ako sa pagkain.
"Okay lang yun, kalimutan na natin ang nangyari kagabi. Ano bang nangyari kagabi?" pagbibiro ko kaya natawa na lang din siya at umiling. Tinuloy ko na ang pagkain ko para maaga akong pupunta sa coffee shop. Friday na kasi kaya naman marami daw na pupunta dahil may sale na nagaganap kapag Friday.
Kapag Saturday naman walang pasok kaya it's free and our rest day.Nakita niya akong nagmamadali kaya naman biglang lumungkot ang mga mata niya at ngumiti ng mapait pero nawala din iyon nung tumingin siya sa mga mata kong nagtatanong.
"May problema ba?" hindi ko mapigilan na magtanong. Umiling siya sa akin pero pinilit ko pa rin siyang magsalita.
"Nagmamadali ka kasi na para bang aagawan kita ng pagkain, nakalimutan mo yatang multo ako." nagdahan-dahan tuloy ako sa pagkain kaya natawa na naman siya.
"Huwag kasing ipahalata na excited kang makita ang ex mo." sabi niya atsaka na siya tumayo at biglang nawala na naman ng parang bula.
"Ay packing tape!" sigaw ko dahil sa gulat sa paglitaw niya malapit sa mukha ko. "Dinner tayo mamayang gabi, huwag mong kakalimutan!" at nawala na naman siya.
Tinapos ko na ang pagkain ko para makaligo at makapag ayos na. Ayoko munang madatnan ulit si Ash at baka iopen up na naman niya si Asher, hindi ko na nga siya naiisip o iniisip. Ang gagong multo lang mas bitter pagdating sa ex ko kaysa sa akin, ano kayang problema no'n?
Same attire with a little difference because I put light make-up in my face to look nice? I think? Or no? I mean, Ate Kay always wore make-up and she doesn't look haggard so I just copied her.
"You're now putting that clowny thing in your face? Wow, just wow!" napatalon na naman ako dahil sa pagsigaw niya. Hinanap ko ang gagong multo gamit ang salamin na nasa harapan ko at nakita ko siyang nakahiga na naman sa kama ko habang malalim na naman ang iniisip.
Natawa naman ako sa sinabi niyang clowny thing. What was that? "Clowny thing huh?" pang-aasar ko sa kanya pero akala ko pagtatawanan niya din ang sinabi niya pero tumayo siya mula sa kanyang pagkakahiga at hinarap ako, "Don't use that just to impress him. He needs to accept who and what you are. If he truly loves you he doesn't mind what your look but what your inside." Lumapit ako sa kanya. "How about you," he looked at my eyes, then raised his eyebrow. So gay!
BINABASA MO ANG
Serendipity ✔️
Novela JuvenilPapaano kung makatagpo ka ng isang makulit, isip bata at pervert, take note isa siyang multo. Makakatagal ka kaya? Ang boring mong buhay nagkaroon ng kulay dahil sa dami ng adventure and thanks to him. Nang dahil sa kakulitan niya naging masaya ka b...