SINA MAGGIE, MIKE, MART AT MAC. Apat na magkakapatid na payapang naninirahan sa Maynila at dumaranas ng mga normal na problema bilang estudyante ay isa-isang inatake ng mga aswang—at hindi na iyon bago.
Nitong nakaraang bakasyon, ang mga alamat at istorya tungkol sa mga mahiwagang nilalang na ikinukwento lang ng kanilang lola gabi-gabi ay nagsimulang magpakita at manggulo sa magulo na nilang buhay—tikbalang, kapre, diwata, at mga anito. Ang malala, apat sa miyembro ng kanilang pamilya ang dinukot at hindi nila nagawang mailigtas ang lahat.
Ngayon, kailangan nilang bumalik sa probinsya ng kanilang lolo at lola upang ibalik ang kaharian ng Balete sa mga totoong may-ari nito at iligtas ang taong akala nila'y nawala na. Ngunit para magtagumpay sa kanilang misyon, marami pa silang dapat gawin bukod sa magapi ang kalaban: kailangan nilang matutong maniwala sa mga nilalang na karamihan sa atin ay hindi pinaniniwalaan; magtiwala sa pamilyang kanilang kinalakhan; at magpatuloy sa kanilang paglalakbay kahit ang lahat ay nagkataon lang.
BINABASA MO ANG
BALETE CHRONICLES: Unang Aklat
FantasyWhat if Philippine folktales, myths and legends are set in the present time? What if scary mythological creatures do exist and are secretly roaming within our very own cities we used to live comfortably? Do anitos have anything to do with our weathe...