Kabanata 27

727 37 29
                                    



Ang Takas

Maaga akong gumising at naghanda para makaalis. Ngayong sabado kasi ay pupunta kami ni Nina sa bahay nila Cathy, wala lang, tatambay lang.. At isa pa baka guluhin lang ako nila mom dito sa bahay patungkol sa anniversary ng company bukas eh alam niyo namang hindi ako sisipot dun. Hihi

Loose tshirt lang ang suot ko at shorts tapos slip-on snickers tsaka cap para kumportable. Ang balak kasi namin ay syempre movie marathon uli at foodtrip!

*riiiing*

Agad kong kinuha ang phone ko na nasa ibabaw ng tukador. Kakasuot ko lang ng cap ko nang biglang tumawag si... Si unggoy? Ang aga-aga ah!

"Bakit unggoy?" Bati ko sa kanya.

"Hey pagong, you ready?"

"Huh? R-ready?"

"Yup! Nabanggit mo sakin kahapon na magkikita kayo nila Cathy ngayon diba? Remember?"

Hmmm.. Nabanggit ko ba yun?

"So?"

"Hahah! Ihahatid na kita."

"Ha? Brix wag na.. Kaya ko nang mag-isa.. B-baka nakakaabala na ako sayo."

"Wala ka nang magagawa pagong, silip ka sa bintana mo."

Dahan dahan nga akong naglakad palapit sa veranda at pagsilip ko...

"Good morning turtle!" Ngisi sakin ni Brix.

Bagong gupit nanaman siya, naka white shirt din siya at maong na shorts, kitang kita ko rin ang pagkinang ng dog tag niya. Tong unggoy na to, ang....gwapo.

"Brix! Umuwi ka na, ako nang magahahatid sa sarili ko dun!" Sigaw ko.

Nakita kong nilayo niya sa tenga niya yung cellphone niya. Omg. Nalimutan kong magkausap nga din pala kami sa phone!!

"S-sorry.." Sabi ko nang makita kong ngumuso siya at nagpacute pa!

"Ganyan ba ang isasagot mo sa 'good morning' ko pagong?" Ngumuso nanaman.

Napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang nagalakad palabas ng bahay. Mukang wala na akong magagawa.

Nag-ninja moves ako para walang makapansin sakin palabas. Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan...takboooo!

Hingal na hingal tuloy ako sa paglabas ko sa gate.

"Hooh! Muntik nako kay ate Amy ah." Sabi ko sa sarili. Papunta kasi si ate Amy sa sala kanina, buti nalang mabilis akong tumakbo.

"Bakit hinihingal ang pagong? Mukang nagmamadali kang makita ako ah?" Sabi ng nakangising unggoy na nakasandal pa sa kotse niya. Kanina pa ata niya ako tinitingnan.

Pinagtaasan ko siya ng kilay, tsss.

"W-wala.. Nag ninja moves kasi ako palabas.. Pipigilan lang ako nila dad umalis eh." Hingal kong paliwanag.

"Hahahaha! Ninja turtle kana pala ngayon pagong?!" Sabi niya habang tatawa-tawa.

"Ewan ko talaga sayo, uuuunggooyyyy ka!!" Sabi ko habang kinukurot ang tagiliran niya.

"Aw! Aw! Araaay!" Inda naman niya pero nakangiti parin. Hmp.

Sumakay kaming dalawa sa kotse niya, kahit ha ayokong magpahatid sa kanya ay sumakay pa din ako kasi baka lumabas si ate Amy o sila dad at makita pa ako. O di kaya naman ay biglang dumating si ate or kuya tapos maabutan pa ako sa labas.

"Turo mo nalang sakin bahay nila Cathy okay?" Ngiti niya.

"Brix, sumama lang ako sa loob ng kotse mo kasi baka mahuli ako. Alam mo namang takas lang ako ngayon.. Pero... Hindi mo na ako kailangan ihatid pa." Paliwanag ko sa kanya.

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon