Kabanata 39

297 13 3
                                    

Warning: May konting SPG

Ang Nahuli

"I'm sorry about that.." Hinawakan ni Eron ang kamay ko. Nasa loob na kami ng kotse niya pero hinayaan niya lang na magtagal kami sa parking lot ng school.

Bumuntong hininga ako, hinarap ko ang kamay ko sa palad ni Eron para pagsalikupin ang aming daliri.

"A-anong pinaguusapan niyo ni Jackie?" Hindi ako tumingin sa kanya. Kinakabahan sa maari niyang isagot.

Alam ko na noon pa na pilit nilalapit ni Jackie ang kanyang sarili kay Eron. Ang akala ko'y mababaw lang iyon at di na kailangan pagtuonan ng pansin. Kaya naman pinagtataka ko kung bakit ganoon nalang kadesperada si Jackie para lang mageskandalo ng ganoon.

"She said she's inlove with me, that's all." Pagod niyang sinabi saka nagiwas ng tingin.

Nagseselos ako. Gusto kong suntukin ang Jackie na iyon pero ayaw kong gumawa ng gulo dahil lang sa maliit na bagay. She's inlove with my boyfriend, who am I kidding? Sino bang hindi maiinlove sa nobyo ko?

Nilingon ko si Eron na ngayon ay nakatitig na sakin. Nagtatagis ang kanyang bagang habang inaantay ang aking sagot. Tila ba masyado akong matagal at naiinip na siya. Narinig ko ang pagtikhim niya, tila may gusto pang sabihin pero hindi niya magawa.

"Sino bang hindi maiinlove sayo?" Wala sa sarili kong bulong.

Nakita ko ang pag-nguso niya. Sa una ay parang nagulat siya ngunit sa kalaunan ay pinigilan ang sumisilay na ngiti.

"Really? In this kind of situation nakuha mo pang mambola?" Nangingisi niyang sinabi. "I thought that you're gonna punch me to death!" Dagdag niya pa.

Inirapan ko nalang siya,

"Thanks for giving me the idea. Yan ang gagawin ko sa susunod." Mataray kong sinabi.

"You'll never do that.. Masyado mo akong mahal." Nakangisi niyang sinabi.

Nanlaki ang mata ko sa kayabangan niya. Binigyan ko kagad siya ng isang straight sa braso. Kahit naman busy ako sa school ay nagagawa ko pa din magtrain ng boxing tuwing weekends.

Agad niyang ininda ang sakit ng suntok ko. Ngumisi ako at hinipan ang kamao ko na para bang baril ito. That's what you get, mokong! I smirked.

"Damn it woman! I should've stop your boxes ng sessions a long time ago!!" Biro niya habang umiiling iling, hinahaplos ang bandang nasaktan.

Habang ginagawa iyon ay hinalikan ko siya sa labi, mabilis at mababaw lang.

"I forgive you." Ngiti ko.

Nagtaas siya mg kilay at ngumiti.

"Forgive me for what Aj? I never liked that girl, ni hindi ko iyon tiningnan, kanina lang dahil napuno na ako." Pagmamalaki niya.

"Whatever you say, I forgive you for making me...jealous." Mahina ang huli kong salita, nagpatanto na baka masyado na akong nagiging possessive jealous girlfriend!

Humalakhak siya,

"I never want you to get jealous.. So next time wag ako ang suntukin mo, gagantihan kita sa susunod." He said with a playful smile.

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon