Kabanata 28

646 39 6
                                    


Happy Valentine's Day!!! ♥︎(=゚ω゚)

_____________________________________________

Ang Flower Maze

Todo pa ang pagkakapikit ng mga mata ko nang maramdaman ko nalang ang mainit na halik niya saking labi. Nakakarga pa ako sa kanya at sobrang higpit pa ng pagkakahawak ko sa leeg niya nang siilin niya ako ng madiin na halik.

"I missed you.. I missed so much baby girl!" Sabi niya pagkamulat ko.

Ngumiti ako. Ngayon ko nalang siya nalapitan nang ganito at ako din, miss na miss na miss ko na siya!!!

"I missed you more baby boy.." Ngumuso pa ako.

Hinalikan niya muna ako sa ilong bago nilapag. Nagmamadali kaming naglakad papunta sa kotse niyang nakaparada sa tagong parte ng street namin, may mga halamang nakapalibot sa kotse niya kaya mejo natago ito.

Mabilis niya akong pinasakay.

Pagkasakay naman niya ay agad niyang pinagsalikop ang kamay namin. Hinalikan niya ang likuran ng palad ko.

Muli ay napangiti ako sa sayang naramdaman, nagtama ang paningin namin at sa mga oras na iyon..pakiramdam ko, kumpleto na ako.

Naging tahimik kami sa simula ng byahe, halos matunaw na kami sa kakatitig namin sa isa't isa at sabay pa kaming tatawa. Ganyan ata talaga namin kamiss ang isa't isa..na halos wala na kaming masabi...na parang sa isip palang ay nagagawa na naming mag-usap.

"Pakiramdam ko, ngayon nalang uli ako nabuhay." Napatingin ako kay mokong ko nang bigla siyang magsalita. Kitang kita ko ang mga ngiti niya, abot tenga talaga.

"Ang lapit lapit natin sa isa't isa pero ni hindi man lang kita mahawakan..makausap.. Alam mo ba kung paano ako pinapatay ng pakiramdam na iyon?" Dagdag niya pa.

Napalunok ako. Alam ko. Alam na alam ko dahil yan din ang nararamdaman ko.

"Do we really need to do this?" Tanong niya habang bumubuntong hininga pa. Itinigil niya ang kotse niya sa gilid ng kalsada. Mukang ayos lang naman iyon dahil bukod sa mukang probinsya na itong dinadaanan namin bagaman sementado ang kalsada ay wala na din gaanong dumadaan dito.

"Baby, wala na akong pakialam kila mom.. I'll talk to them kahit isang daang beses pa just to convince them kung gaano ko hindi kayang mawala ka sa buhay ko.. And if they make me choose, I'll always choose you." Titig na titig siya sakin habang sinasabi ang mga katagang yan.

Nangilid ang mga luha sa mata ko, dahil bukod sa mga sinabi niya ay nakikita ko rin sa mga mata niyang nahihirapan na rin siya.

Umiling ako agad.

"Eron.. Onting tiis nalang naman-"

"Hindi ko na matiis." Pagputol niya sa sinasabi ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap sa kanya ang mukha ko.

"Let's stop this baby.. Eto, alam mo ba kung gaano ako kasaya na ngayon ay nahahawakan kita? Na nakakausap kita? Na ganito tayo kalapit sa isa't isa? Baby, I want to feel this every fucking second of my life.. I did what I did before because I want you safe, I want to protect you.. And I regret nothing baby, yun ang gusto kong sabihin sa mga magulang ko..just say yes and I'll do it." Sabi niya pa.

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon