Kabanata 7

894 39 5
                                    


Selosa

Ilang araw kong inilagan si Aj. Tiniis ko bawat paglapit sa kanya ni Rick. Isa lang naman ang hindi ko natiis. Ang makita yung Chris na lumalapit sa kanya. Dalawang beses ko yun nakita tuwing uwian, nagiinit ang ulo ko.

Lagi ko siyang inaagaw, wala akong pakialam kung makita man nila Shane yung ginagawa ko basta ang importante, ako yung maghahatid sa kanya pauwi at hindi si Chris.

Kahapon napilit ko siyang sumama sakin, malayo pa lang kasi si Chris ay hinigit ko na agad ang braso niya papunta sa kotse ko pero ngayon, magkausap na sila. Tumatawa-tawa pa si Aj na siyang nagpakulo ng dugo ko.

Walang ano-ano ay nilapitan ko sila.

"Aj!" Nakakunot na ang noo ko.

"B-bakit?" She stuttered.

"San ka pupunta?" Tinaasan ko siya ng isang kilay at mariing tiningnan.

"Aalis kami. Bakit? May problema ba bro?" Sagot ni Chris sakin.

Tiningnan ko lang siya saglit saka binaling yung tingin ko kay Aj. Kung magtatagal pa kasi yung tingin ko sa kanya ay baka masuntok ko lang siya.

"Gagawin natin yung project diba?" Galit kong tanong.

"Ha?" Wala nanamang masagot na maayos si Aj.

"Halika na," hinawakan ko yung braso niya pero pinigilan ako ni Chris. Fuck it! Konting konti nalang talaga pacenxa ko sa kanya!

"Teka nga bro, bitiwan mo si Aj." Pagpigil ni Chris.

"Is it true Aj? May project kayong gagawin?" Hinarap niya si Aj sa kanya sabay tinanong. Nakaramdam ako ng kaba, baka kasi itanggi ako ni baby girl.. Wala naman kasi kaming usapan na ngayon gagawa ng project. Ayoko lang talaga na sumama siya sa iba.

"O-oo Chris, nakalimutan ko. S-sorry." Nahihiyang sabi ni baby girl.

Pumalakpak yung tenga ko sa narinig ko. Damn did she really choose me?!

Tinaasan ko ng kilay si Chris.

"Let's go." Sabi ko sabay hila uli kay baby girl.

"Bakit hindi mo sinabing ngayon tayo gagawa ng project?" Tanong niya sakin nang makasakay kami sa kotse. Hindi ako agad makapag-isip ng isasagot. Tama bang sabihin ko na nagseselos ako? Na ayokong may ibang naghahatid sa kanya bukod kay tito o kay...Rick?

"Project yung gagawin natin! Mas importante yun kesa makipaglandian ka." Damn it! Ano tong lumabas sa bibig ko?

"Makipaglandian?? Tama ba yung narinig ko?? Kaibigan ko si Chris! At wala naman sigurong masama kung sumama ako sa kanya." Paliwanag niya.

Pumalakpak nanaman ang tenga ko.

"You were just friends?" Hindi ko maitago yung saya sa boses ko.

"Bakit? Ano bang akala mo ha?" Tiningnan niya ako ng masama pero dahil sa hiya ko ay nagiwas ako ng tingin sa kanya.

Pinaandar ko yung makina ng sasakyan pero hindi parin kami umaalis. Hindi pa rin kasi siya nagsusuot ng seatbelt.

Gusto ko siyang utusan na maglagay na siya ng seatbelt pero dahil sa hiya at sa kakaibang saya na nararamdaman ko ay hindi ako makapag salita.

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon