Kabanata 32 (dahil nagloloko ang WP)

430 19 4
                                    


Ang Spotlight

Wala na kami halos ginawa sa klase. Tapos na kasi ang mga exams ganun din ang mga school activities. Puro nalang kami check ng papers o kaya ng mga requirements. Masaya ako dahil sa kinalabasan ng paghihirap ko sa school dahil matataas ang grades ko. Bukod kasi sa pagsasakripisyo ko sa relasyon namin ni mokong ko ay ganun din ang sakripisyo ko sa pag-aaral..kasi hindi ko naman talaga first choice itong course ko tapos napakadami pa ng gawain ko bilang student officer dito sa school. Mas nakakahaggard kumpara nung high school.

Masaya ang lahat dahil sa champion ang APU sa University League. Pero di gaya nila, hindi ako MASAYA! Dahil bukod sa sikat nanaman ang asungot na uod na Jackie na yun ay mas lalo atang kumapal ang make-up niya!!! Grabe na kasi siya sa paglapit sa nobyo ko!! Sobra sobra na talaga ang pag-pipigil ko. As in!!

"Eron! Here!" Sigaw ni Jackie, kakalabas palang namin sa calssroom ay umarangkada agad siya. Mejo nagpahuli kami ni Nina at nauuna samin sila Eron.

"Kumakati nanaman ang balat ko, may higad sa paligid!" Inis na bulong sakin ni Nina. Siniko ko agad siya dahil baka may makarinig pa sa kanya.

"What? Totoo naman." Si Nina.

"Ssshh! Baka iba isipin ng makakarinig!" Bulong ko naman sa kanya.

"Tssh.. Atleast alam nilang may nagkakalat ng kati sa paligid! Asan na ba yung Calamine lotion ko! Tsk. Ang kati-kati!!" Pagbibiro pa nito. Hindi ko nalang siya sinagot at patuloy na pinag masdan sila Eron.

Kasama ni Jackie ang dalawa pa niyang alipores na uod. Nakahinga ako nang malalim nang hindi siya lingunin ni Eron, napangisi pa ako nang makitang liliko na sila nila Shane.

Pero ganun nalang ang inis ko nang biglang naglakad-takbo ang tatlo at talagang lumapit pa sa kanila! Ibang klase! Lumingkis si Jackie sa braso ni Eron. Halatang nabigla ang nobyo ko sa ginawa niya.

"Omy! bagay talaga sila noh?"

"Oo nga, MVP tapos cheer leader! Ang cute!"

"Nakakakilig naman..."

Rinig kong bulungan ng ibang estudyante.

MVP nga pala si mokong ko.. Hindi man lang namin naicelebrate yun. Huhuhu. Don't worry baby boy, sa susunod talaga walang lalampas na celebrations satin. I love you.

"Grabe! Ang sarap sugurin!!" Muntik nakong mapatalon nang magsalita si Nina.

"Pangs! Hinaan mo naman boses mo!" Saway ko sa kanya nang makitang may mga nakatingin na samin.

"Wag ka na ngang manhid-manhidan jan pangs! Tara na! Sampolan mo na yan! Diba boxingera ka? Oh dali kahit isang straight lang!" Hinarap niya ako at seryoso talaga siya sa sinasabi niya.

Lumunok ako at sinulyapan muli sila Eron. Ganun pa din. Naglalandi pa din ang uod. Ang mga kaibigan naman niyang sila Shane ay hindi malaman ang gagawin sa mga uod, nagaalala din nila akong sinusulyapan.

Grrrr.. Ipatuka niyo sa manok!!

Binaling ko uli ang tingin ko kay Nina at mariing pumikit.

"Tara na.." Sabi ko nang magmulat.

"Ikaw bahala, pag yang jowa mo nagka-anaphylactic shock dahil sa kakatihan nung higad na yun, bahala ka." Pananakot niya sakin.

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon