Kabanata 5

987 41 7
                                    


Secretly Inlove

Maayos na yung pakiramdam ko sa mga sumunod na araw, hindi lang ako pumasok dahil hindi pa rin nawawala yung black eye ko, though mejo nagffade na.

"Wag ka kasi nagpapasuntok sa mukha bro." Natatawang sabi ni Brix habang naglalaro sila ng xbox ni Brent. Binisita nila ako, kasama niya rin si Paul at CJ na busy naman sa phone nila.

"Bayaan mo na bro, nakabawi naman ako." Ngisi ko. Nakabawi ako sa pagaalaga niya.

Nagpadala ako kila ate Sally ng pagkain kaya yun naman ang nilantakan nila.

"Kelan ka na pasok bro?" Sabi ni Cj habang nakatingin sa phone.

"Next week nalang bro, may lakad ako bukas eh." Sabi ko sabay inom ng orange juice.

"Talaga? San bro? Party ba? Chix ba?" Sabi naman ni Brent.

Binatukan ko siya pero hindi siya nakaganti dahil naglalaro pa rin siya.

"Sa mall lang bro, magkikita kami ng pinsan ko." Sagot ko naman.

"Perfect bro! Pupunta din kaming mall bukas, bibili ako ng regalo kay Christine." Ngisi ni Brix.

"You're dating her?" Biglang tumingin si Paul. Tumango naman si Brix habang nakangiting aso.

"Tang ina mo katext ko yun eh!" Sabi ni Paul kaya nagtawanan kaming apat.

"Tsss bro humanap ka ng iba!" Sabi ni Brix tas binato niya si Paul ng throw pillow.

Nagtawanan kami dahil sa asaran ng dalawa.

Sumalampak ako sa tabi ni Brix saka inagaw sa kanya yung controller.

"Yo Bros, nagtext si Shane, party daw sa Fort Strip." Sabi ni CJ.

Agad silang nagpunta kay Paul para tingnan yung text.

"Tara! Party na!" Sabi nila Brent.

"Bro, pass na muna ako." Sabi ko habang nakatutok sa Screen.

"You sure bro?" Sabi ni Brix.

"Ilang chix nanaman ba papalampasin mo bro?" Ngisi ni Paul.

Tumawa ako sa sinabi niya at umiling.

"Shut up bro. Kayo nalang muna." Sabi ko.

Nagbro fist muna sila sakin saka sila masayang umalis para sa party na pupuntahan.

***

Nakabihis na ako nang umupo ako sa kama para magsapatos. Tinitigan ko yung maliit bag na nakapatong sa side table ko. Naiwan to ni baby girl nung dinalaw niya ako.

Binitawan ko yung sapatos ko saka inabot yung bag. Binuksan ko ito at namula yung pisngi ko.

Damn napkin tapos panty?! Bakit siya nagdadala ng ganito? Nagreready ba siya para sa mga unplanned overnights??

Nakita kong may pabango doon, Nagspray ako ng konti sa sarili ko. Now I smell like my baby girl.

Binalik ko yung bag niya sa table saka nagsapatos, tumunog kasi yung phone ko at alam kong si Erich na yun.

Sinundo ko siya sa kanila dahil may usapan kaming magkikita ngayon.Hindi naman gaano kalayuan yung village nila sa Mckinley Hill kaya mabilis ko rin narating yung bahay nila.

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon