Ang CondoNapapabuntong hininga nalang ako habang nag-aantay kay mokong. Kinakabahan ako na hindi ko mapaliwanag. Nahahati ang isip ko sa nangyari kanina at kay Brix. Bakit ganun nalang ang naging reaksyon niya? Ayokong mag-isip ng iba, ayokong mag-hinala.. Sa totoo lang mas kinakabahan ako sa mga naiisip ko tungkol sa kanya, natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.
At para hindi masakop nun ang buong utak ko ay ipinagkibit-balikat ko nalang ito. Mas pinag-tuunan ko nalang ng pansin ang mga sasabihin ko kay Eron mamaya kapag nagkaharap kami pero kung minamalas ka nga naman, maski yun ay hindi ko maisip kung paanong gagawin. Ang hirap!
Ilang saglit pa akong nagmuni-muni nang may tumigil na kotse sa kalye katapat ng inuupuan kong bench. Pamilyar ang kotse na iyon at kung hindi ako nagkakamali ay kay Chris iyon.
Bumukas ang kotse sa passenger's seat at iniluwa niyon si Nina. Nakangiti siya sakin ngunit bakas sa parin ang lungkot sa mukha niya.
"Pangs!!" Tawag niya sakin at kumaway. Bumuntong hininga muna ako bago ngumiti at tumayo.
"Pangs.." Pilit ang ngiti ko.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Sorry sa nangyari kanina.. Sabi ko naman kasi sayo umalis na tayo doon.." Nahihiya niyang sambit habang nakayakap sakin.
Ninamnam ko muna ang yakap niya bago ko siya hinarap.
"Siguro, nakatakda talaga para sakin na makita ang bagay na yun pangs." Ngumiti ako. "Wag kang mag-alala.. Hindi naman ako galit kay Eron. Nasaktan lang ako pero hindi ako galit sa kanya. Aantayin ko ang paliwanag niya."
"Ang totoo niyan, matagal ko nang naririnig yung mga balitang madikit nga daw ang Jackie na yun kay Eron. Pero syempre, hindi ko nalang pinapansin, kasi normal naman yung mga ganung balita sa mga malalanding gaya nung babae na yun diba?! Eh hindi lang naman kay Eron madikit yun noong ang alam nila ay 'kayo' pa. Ang landi talaga! Ugh!" Sabi ni Nina, sa tono niya ay parang mas may galit pa siya kay Jackie kesa sakin.
"Mm..may tenga naman ako pangs, naririnig ko din yan." Sagot ko naman, iniiwas ang tingin sa kanya.
"Oh yun naman pala eh! Bakit wala kang ginagawa? Tapos kanina, imbis na sugurin mo nag walk-out kapa?! Lintek na yan paano ka makaka-emote kung lalayas layas ka pangs?" Singhal niya sakin.
Nameke ako ng tawa. Kahit kailan talaga ang isang to, sobrang war freak!
"Pangs naman.. Alam mo naman kung bakit hindi ko pwedeng gawin yang mga pinagsasabi mo diba? Alam mo naman yung sitwasyon naming dalawa.." Nakayuko kong paliwanag, nakatuon ang paningin ko sa mga daliri kong naglalaro.
"Tssh.. Yea, I know. At yan ang mahirap jan sa ginagawa niyo. Pareho kayong walang bakod sa isa't isa kaya kahit sino nakakalapit nalang sainyo nang basta-basta. Nakakapanghimasok nalang bigla." Seryosong sabi niya.
Ngumuso ako.
"Kaya nga gusto ko siyang makausap ngayon, kanina tumatawag siya.. N-nahihiya akong sagutin yung tawag niya, ayoko kasing sa phone lang kami mag-usap. Hangga't maaari, ngayong may problema kami, gusto ko sana sa personal.." Bumuntong hininga ako. "At s-sa totoo niyan, ang akala ko ay s-siya ang pupunta ngayon at hindi kayo.." Dagdag ko pa.
"Mm.. The truth is, nandito kami para sunduin ka pangs.. Ihahatid ka namin sa kanya, inutusan niya kaming gawin to kaya halika na. Baka naiinip na yung jowa ko!" Nanlalaki man ang mata ko ay nagawa na niya akong hilahin palapit sa kotse ni Chris.
Walang anu-ano'y naisakay niya ako doon. Nang makaupo ako sa backseat ay siya naman ang sumakay sa passenger's seat.
"I heard what happened Aj.. I hope you're okay." Si Chris, nakangiti niya akong nilingon mula sa driver's seat.
BINABASA MO ANG
Forever is Never Enough
RomanceAfter winning Eron Alford's heart, inakala ni AJ na magiging madali nalang ang lahat. Sino nga naman ba ang hindi magiging masaya? Her boyfriend almost look like a God from Greek-mythology for pete's sake! But the bumpy road of life won't end there...