Kabanata 19

580 35 10
                                    



Ang Pagsubok

"Everything will be just fine. Hmm.. Don't worry." Nginitian niya ako at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko.

Naabutan ko siyang nagaantay sa labas ng kwarto ko. Kanina pa siya rito pero ngayon lang ako natapos mag-ayos. Kinailangan ko ng mahabang oras para masiguradong okay na okay yung itsura ko ngayong gabi.

Pero kahit pala sa likod ng make-up ay makikita parin niya yung pag-aalala ko.

"You look stunning. As always." Bulong niya sakin.

Sinubukan kong ngumiti.

"Thank you.."

Inalalayan niya ako pababa ng hagdan at nagpaalam na kay mommy. Nasa business dinner din si daddy kaya wala siya dito ngayon.

"I'll tell them na nagastos ko yung pera sa isang gambling. Hmm or sa underground casino." Sabi niya habang pinapaandar ang kanyang sasakyan. Normal na tono lang ang gamit niya, parang hindi siya nagaalala na baka mapagalitan siya.

"What?! H-hindi kaya magalit sila? A-ano nalang sasabihin nila sayo?" Napaharap ako bigla sa kanya.

"They know me well baby girl. Alam mo naman noon na um.. I'm not so good right? Maniniwala sila sakin, and besides mas okay na sakin sila magalit kesa sayo. I can take it all baby... I'll do everything to make this work." Hinawakan niya ang kamay ko habang ang isa ay busy sa manibela.

"But.. But.. Lagi nalang ikaw ang-"

"No more buts. You know what? I really hate it when the two of us have problems like this. Nababawasan yung pagkakataon kong makasama ka pa nang matagal. I want everything back to normal, I want to go to your house and cook for you, I want to be with you every Thursdays. And I even want to spend this Vacation with you baby, so.. Just trust me. Mmmkay?" Hinalikan niya ang likod ng palad ko.

Ngumiti ako at dahan-dahang tumango. I don't know how he could manipulate me so easily. Napapa-oo agad ako ng isang to. It's so unfair! Pero wala akong magawa because the truth is his words make me feel so secure and safe.

Naglabas ako ng malalim na hininga saka tumingin sa salamin. Chineck ko ang nude make-up ko at ang aking buhok na naka half-ponytail at kulot ang dulo. I need to win this one.

Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng isang exclusive hotel and restaurant sa BGC. Agad tumakbo na parang kabayo ang tibok ng puso ko. Nagsisimula na rin akong pag-pawisan.

Aj.. Just be yourself!! Impress them! Do it right!

Humugot uli ako ng malalim na hininga.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Eron at agad akong lumabas sa kanyang sasakyan.

Nilagay niya agad ang kamay niya saking bewang at sabay kaming tumungo sa loob. Sumakay kami sa elevator at pinress niya ang 25th floor.

Tahimik lang kami sa loob. Paminsan minsan ay sinusulyapan ko siya. Nakikita kong hindi din siya mapalagay pero sa tuwing makikita niya akong nakatingin ay ngingiti siya.

"Good evening sir, mam! Any reservations?" Ngiti samin nung frontliner na babae.

"Uh yes. Alford." Seryosong sabi ni Eron.

"Oh, right this way sir." Nagmamadaling sabi naman nung babae sabay lahad samin ng daan papunta sa kanilang VIP area.

Naaninag ko agad doon ang magkatabing mommy at daddy niya. Masaya silang naguusap at umiinom ng wine.

"Thanks." Sabi ni Eron sa babae saka ito lumabas ng room na nakareserve para samin. Salamin lang ang walls nito kaya nakikita pa din kami ng tao sa labas. Pero sa kabilang side naman ng glass wall ay kita ang city lights.

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon