Meant to be
Halos hindi ako magkandaugaga sa kakahanda kahit na masyado pang maaga. Kagagaling ko lang sa City of Stars para ayusin ang iba pang kulang para sa opening ng A's cut and couture. Magkakaroon ng fahion show sa activity center ng mall at doon ipapakita ang mga designs ko.
"Paula, ligt make-up lang please." Sabi ko sa make-up arist ko na naging kaibigan na din.
"You sure? Opening ito ng sarili mong brand! Ayaw mong bonggahan?" Humalakhak siya habang winawagayway ang tube na gagamitin niya para sa air brush makeup ko.
Tumango ako, ngayon palang kinakabahan na ako.
"Alrighty, maganda ka na nga masyado para make-upan pa eh!" Ngumisi ako at umiling sa sinabi niya.
Nagsimula na ang pag-aayos niya sakin. Good thing na may hotel mismo ang City of Stars kaya hindi na ako mahihirapan pang pumanhik doon, ilang hakbang ay Mall na agad dahil meron itong connecting hallway.
"My gosh! Relax okay?" Ani Cathy na ngayon ay pinapaypayan ako.
Nakasuot na ako ng aking puting bandeu top at itim na highwaisted pencil cut skirt, sa ibabaw ay ang aking boyfriend blazer. Nakikita ang kaunting bahagi ng aking abs. Kinuha ko na ang aking pouch at chineck ang suot na stilettos. I want to wear something simple as possible.
"Muka ba akong tensed?" Ngumuso ako kay Cathy.
"Totally pangs. This is your big day, wag kana kabahan. Ang sabi ni Nina ay naroon na ang mga media na magcocover ng opening mo, halos na naroon na din lahat ng nabigyan ng invites. Take a deep breath, then let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at mataman akong tiningnan.
Sinunod ko ang sinabi niya, huminga ako ng malalim at sabay na kaming umalis sa suite namin na iyon.
"Sayang, wala ka man lang boyfriend para escortan ka." Humalakhak si Cathy hindi ko alam kung concerned ba o nangaasar lang.
Nakagat ko naman ang labi ko, di ko pa nakkwento sa kanila na nagka-ayos na kami ni Eron nung nakaraang sabado. I invited him here, he just told me that he'll be here. He never offered to be my escort...well. Hindi ko din iyon naisip nung mga panahon na yun at siguro mahihiya pa ako kung aayain ko siya.
Umaalingawngaw na sa buong mall ang tunog mula sa malalaking speakers ng activity center. May stage sa gitna ay may rampahan ito palapit sa mga manunuod. Halos okupado na lahat ng mga upuan doon. Napalunok ako sa dami ng tao.
Okay, gawa ko iyan kaya dapat ay hindi ako kabahan! I should be proud!
May mga security guards na ang gumiya samin papunta sa backstage. Nilapitan ko ang iilang modelo doon habang suot ang aking mga gawa, pinuri nila ako at ganoon din ako sa kanila.
"You look so good in this gown." Bati ko sa isang magandang babaeng parang kinakabahan.
"Oh, T-thank you miss A." Ngumiti siya sakin.
"You are? I'm sorry, you look familiar kaso kakauwi ko lang talaga kaya hindi ako gaano ka-updated. But I'm sure I've seen you somewhere." Agad siyang naglahad ng kamay.
"Irene Naiana, it's an honor to present one of the collections of a young successful designer like you." Ngumiti siya at parang may kung ano sa ngiti niya ang nagpasaya sakin.
"You're welcome, it's also good to have such a beautiful model like you." Sinuklian ko ang ngiti niya.
Pumalakpak ang isa sa mga stage manager,
"We'll start in ten! Mag-ayos na kayo!" Sigaw nito.
"See you around, miss A." Ngumiti si Irene bago ako nilubayan. Nakita ko siyang nagitla nang may sumilip na lalaki pero agad ding nawala.
BINABASA MO ANG
Forever is Never Enough
RomanceAfter winning Eron Alford's heart, inakala ni AJ na magiging madali nalang ang lahat. Sino nga naman ba ang hindi magiging masaya? Her boyfriend almost look like a God from Greek-mythology for pete's sake! But the bumpy road of life won't end there...