Kabanata 24

505 26 0
                                    




Ang Break up

"Baby girl you need to get ready, 2 weeks from now anniversary na ng kumpanya. You and your siblings have to be there. Our biggest investors will be there as well." Sabi ni daddy habang kumakain kami sa hapag. Atlast nagkasabay-sabay din kaming kumain.

"I'm not sure about that dad.. Malapit na po ang midterms namin.." Sagot ko, sabay inom ng tubig.

"Aj.. The company's anniversary is an important event." Ani mommy.

Kikibit balikat na sana ako pero nagsalita si dad.

"Kung ganun, I'll move the event after your midterms." Parang wala lang sa kanya ang pagsasabi niyan gayong mahirap naman talaga kung tutuusin. "Para makapunta kayong dalawa ni Eron." Dagdag niya pa.

Natigilan ako bigla. Binitawan ko ang hawak kong kutsara't tinidor.

"Umm, We...b-broke up dad.." Sabi kong nakayuko.

Halos malaglagan ng panga sila mommy at daddy sa sinabi ko.

"What?" Gulat na tanong ni daddy.

"Opo.. Nagdecide po kasi kami na magfocus muna sa studies. Tsaka siya din lalo, kasi varsity siya sa school. It's for the both of us dad." Paliwanag ko. Kinakabahan.

Ang tanging hiling ko lang ay wag silang magduda.

At oo, break na nga kami ni Eron. Kunwari. Dahil pagkatapos ng ilang araw na walang humpay kong pamimilit sa kanya ay napapayag ko din siya sa plano ko. Basta ang usapan namin ay walang ibang makakaalam ng relasyon namin bukod kila pangs at syempre sa tropa niya.

Kaya eto, araw ng Lunes. Unang araw na kailangan naming ipakita sa lahat na wala na kami. Nag-break nang walang dahilan. Ang sakit isipin kaso ako naman ang nakaisip neto kaya dapat kayanin ko.

Halos malate nga ako, halos lang naman para hindi gaanong halata ni Eron na apektado ako. (Tsaka ang totoo niyan, hindi na rin kasi ako nagpapasundo sa kanya sa bahay, nagtaxi lang ako at mejo natraffic pa!)

Unang apak ko palang sa loob ng University, kinabahan na agad ako. I knew it from the start na never magiging maganda yung ideya ko pero sumugal parin ako, para samin..para sa kanya.

Pagpasok ko sa room namin, normal lang. Nahihibang na yata ako, malamang normal pa dahil wala pa namang nakakaalam na wala na kami.

Unang araw palang kaya ito Aj!

Sinulyapan ko siya at nahuli kong nakatingin siya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkunutan ng noo, sa ginagawa niya baka may makahalata pa! Malay ba namin kung may espiya din ang mommy niya sa kwarto na to diba?

Nagiwas siya agad ng tingin. Hanggang sa natapos ang klase ay hindi na kami nagpansinan. Nang magbreak-time ay nauna siyang lumabas ng room kasama sila Shane.

"Uy Aj bakit di kayo sabay ni uhm..Eron? LQ?" May lumapit saking kklase kong babae, kasama ang dalawang kaibigan nito. Take note, hindi ko sila ka-close.

"Uhh.." Isip Aj. Should I tell them our white lie? Siguro dapat nga. This is a good step, mas kalat ang balitang yun mas mabuti para makarating agad sa magulang niya.

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon