Kabanata 42

295 12 0
                                    


Ang JKV INC.

Thinking of how me and Eron celebrated that night, hindi ako makapaniwala na nasa harap na ako ng matayog na building ng JKV Incorporated. Wearing my beige fitted v-neck dress and black stilettos, I feel like I'm over dressed for my first day. Pero hayaan na, basta ito lang ang araw na hinihintay ko. And once I get to manage my own business, taas noo kong haharapin ang future mother in law ko.

Ngiti hanggang tainga ni manong guard ang sumalubong sakin papasok.

"Good morning miss!" Bati niya sakin saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Hilaw akong ngumiti saka tuluyang pumasok.

Dumiretcho ako sa babaeng receptionist at binati ito.

"Good morning po! I'm Aurora June from APU, first day ko po bilang intern." Ngumiti ako saka pinakita ang isang ID.

"Oh, okay miss June, 8:15 ang orientation ng mga interns. Sa 7th floor. Just look for Ms. Pinky." Ngumiti siya sakin.

"Thank you!" Sagot ko saka dumiretcho sa elevator.

Iilang mata ang naramdaman kong nakatuon sakin pero dahil sa kaba ay hindi ko na ito inalintana. Intern ako at kailangan kong magpakita ng magandang first impression sa kanila.

Nang makarating sa 7th floor ay nilapitan ko ang nasa front desk para mag tanong. Agad naman niyang tinuro ang isang pintuan.

Nagbuga ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang pumasok doon. May mga iilang tao na ang naroon sa loob. Mga halos kasing edad ko rin at naka-corporate attire din sila. Ngumiti sakin ang isang babaeng nasa mid-30s na siguro. Inayos niya ang kanyang salamin saka nagsalita.

"And you are?"

"I'm Aurora June po, from Asia Pacific University." Ngumiti ako saka tuluyang pumasok sa loob.

Tiningnan niya ang isang papel kung saan mukang nakalista ang aming mga pangalan.

"Okay, please have a seat." Ngumiti siyang muli sakin. Tumango ako saka naghanap ng pwedeng maupuan.

Nasa labing limang tao ang nabilang kong mga naroon. Apat na parihabang lamesa na natabunan ng puting mantel ang naroon, tig-limang upuan ang bawat isa at sa tapat ng bawat upuan ay may booklets. Agad akong lumapit sa bakanteng upuan sa may gitna.

Lalaki ang magiging katabi ko pero hindi ko na iyon pinansin, ayoko namang umupo sa pinaka likuran kaya ayos na siguro ito.

Pagka-upo ko ay agad kong kinuha ang booklet na para saakin. Nakalagay dun ang iilang rules na kailangan naming sundin habang nananatili sa kumpanyang iyon. May mga kailangan din kaming i-fill up na information tungkol samin at iilang kailangan pirmahan.

Nawawala lang ako sa ayos kapag nararamdaman kong gumalaw ang aking katabi. It's like he wants to say something but he's too afraid or shy to talk.

Ilang beses pa siyang naglikot hanggang sa nagkabanggaan ang aming siko. Nagtataka ko siyang tiningnan. Ang kanyang mala chinitong mata ay halos tumagos ang tingin sakin, nakita ko rin ang paglunok niya.

What the?

Muli akong bumaling sa booklet na hawak. I'm starting to regret sitting beside this guy!

Ilang saglit pa ay muli niyang natabig ang siko ko, dahilan para mahulog ang booklet! Pupulitin ko na sana iyon pero naunahan niya ako. Maybe he wants to prove that he's still a gentleman after all the dirty looks he gave me? Pero laking gulat ko lang na mabagal siyang umangat at halos pasadahan niya ang buong katawan ko ng kanyang tingin!

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon