Kabanata 30

629 43 15
                                    




Ang Nakalilitong Sandali

Kasabay ng pagtakbo ko ay ang patuloy na pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko na din napigilan pang humikbi. Nakakahiya man sa mga nakakakita pero nawalan ako ng pakialam. Hindi ko na kaya pang pigilan ang epekto ng pakiramdam na parang dinudurog ang puso.

Marami pang susunod na mga activities ngunit diladala ako ng mga paa ko palabas ng school. Papunta sa kahit saan na malayo doon.

Mangiyak-ngiyak kong narating ang parking lot. Malabo ang paningin ko dahil sa mga luha na natipon na sa mga mata. Patakbo pa din ang lakad ko para malampasan ang parking at makahanap ng taxi ngunit matapos lang ang ilang malalaking hakbang ay bigla akong nahinto.

Natigilan ako sa lakas ng pagkakabunggo ko, at maya-maya lang ay naramdaman ko na ang mainit na bisig na pumalibot sa buong katawan ko. At hindi ko alam kung bakit mas lalo akong naiyak nang dahil sa yakap na iyon.

Pamilyar na amoy, pamilyar na mga bisig. Kumportbaleng kumportable ako sa pagkakayakap niya sakin dahilan para mas lumakas ang paghikbi ko.

"Sshhh..it's okay.." Sabi niya sa pinakamalambing na paraan. Hinaplos haplos pa niya ang buhok ko at bahagyang nakahalik sa noo ko.

Tanging hikbi lang ang naisagot ko. Naghahabol ako ng hangin kaya hindi ko na magawa pang magsalita.

"I can't see you crying like this. I don't want to see you hurting like this.. Please.. Tama na.. Tahan na.." Bulong niya pa.

Hinawakan niya ang baba ko saka pinagtapat ang tingin namin.

Marahang hinaplos ni Brix ang mga luha ko. Pinahid niya iyon gamit ang panyo niya.

"Tahan na AJ.. Lika na, iuuwi na kita.." Pilit na ngiti niyang sinabi.

Wala akong nasagot. Namalayan ko nalang ay nasa tapat na kami ng kotse niya. Inalalayan niya pa akong makasakay doon.

Dahil na rin sa hiya ay tahimik nalang akong umiyak sa loob ng kotse niya. Bagaman litong-lito parin ang pakiramdam ay iniwasan ko nang humikbi pa. Hindi ko na kasi malaman kung dapat ba akong mangamba o ano. Parang nagkapatong-patong na yung lungkot na nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw kaya ganito nalang ang emosyon ko.

Inistart niya ang sasakyan pero hindi niya pa ito pinaandar. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig niya sakin.

"S-sorry ah.. N-naabala nanaman k-kita." Sabi ko habang nagpupunas ng luha.

Tinabig niya yung kamay ko at siya na mismo ang nagpunas ng luha ko gamit uli ang panyo niya.

"Wala akong naaalalang inabala mo ako Aj.." Marahang sambit niya.

Suminghot singhot pa ako at iniwas ang paningin ko sa kanya.

"Tumahan ka na.. Please.." Mariing sabi niya saka pinaharurot ang kotse niya.

Napakapit ako sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya dito pero hindi ko na siya nagawang sawayin pa. Kumikirot talaga ng todo puso ko, yun ang totoong pakiramdam ko ngayon. Walang saya, puros lungkot lang. At aaminin ko na kahit may kasama pa ako ngayon ay pakiramdam ko parin na nag-iisa lang ako at kawawang-kawawa.

Nakatulala lang ako sa tanawin sa labas, pilit na inaalis ang mga masasamang bagay na tumatakbo sa utak ko. Pinilit na nililinis ang pangalan ng taong pinakamamahal ko na narumihan dahil lang sa nasaksihan kanina. Malamang ay sasabihin ng iba na kababawan iyon ngunit iba ako sa kanila. Akin yun eh, akin. Ang labing iyon ay ako ang nagmamayari, doon ako naghahari! At hindi ko matanggap na nagawa iyong akinin nang ganun-ganun nalang sa harap ng maraming tao at sa harap KO pa mismo!

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon