Kabanata 8

801 37 2
                                    



Ain't Loyal

Okay na eh.. Okay na okay na.. Niyaya ko si Baby girl magbreakfast at nagawa ko pa siyang bigyan ng Tulips kinabukasan.. Masaya kami halos buong araw nang biglang may nangyaring hindi maganda.

Ibang saya ang pinadama sakin ni Aj.. Na kung hindi lang dumating sila Rick ay kamuntikan ko nang maamin sa kanya yung nararamdaman ko.. I was about to tell her everything! She was willing to listen.. Fuck it.

"Bro dito nalang kaya natin gawin yung after party ng basketball game?" Sabi ni Paul.

"Yep! Tas ayain mo si Erich bro!" Sabi naman ni Jeron.

Lahat ng sinasabi nila ay sinasangayunan ko nalang.. Sa loob loob ko kasi ay kinakabahan ako, tinatago ko si Aj sa kanila.. Hindi nila pwedeng makita si baby girl dito sa bahay.

"Oo nga bro!" Ngiti ni Brent.

"Okay din pala dito bro eh!" Sabi ni Shane habang pinapasadahan ng tingin ang buong bahay.

Naguusap pa kami nang biglang natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Paul.

"Si Aj ba yun?" Nakatingin siya sa may hagdan at kitang kita ng dalawa kong mata si AURORA JUNE Y. GO, nakatambay doon.

"Aj?" Biglang sabi ni Shane..

Tang ina.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Rick. Humugot ako ng malalim na hininga. Damn it! Anong gagawin ko?!

"a-ahh.." Kita ko ang kaba sa kanyang mukha.

"Gumagawa kami ng project." Sagot ko.

Bumaling sakin si Rick, nakita ko ang pagtataka niya.

"Bakit hindi mo man lang sinabi pare? Andito pala si Aj?" Ani niya.

"Sasabihin ko palang bro, eh nakita niyo na siya eh." Nagkibit balikat ako. Shit, kung akala kong mahirap ang patago, mas mahirap pala yung obvious na.. Hindi ko alam kung kaya ko bang saktan yung kaibigan ko nang harap harapan.

Umakyat si Rick papunta kay Aj, sumunod naman kami. Natahimik kaming lahat.. Ni isa walang nagsalita maliban kay Rick.

Kinausap niya si Aj at naririnig ko ang pagaalala niya para dito.. Na para ba akong traydor at hindi mapapagkatiwalaan sa mga mata niya. Gusto kong magalit dahil sa mga sinabi niya pero bigla kong narealize na baka ng totoo.. Totoo yung tingin niya sakin.. Isa akong traydor..

"Masyado kasi kaming maraming materials na ginagamit, andun yun sa kwarto.." Paliwanag ni Aj.

"Uy kwarto." Sabi ni Brix.

Holyshit Brix! Hindi niya nilulugar yung kalokohan niya. Tsss

"Dito yun bro, let me show you," sabi ko.

Gaya ni Aj ay namangha din ang tropa sa loob ng kwarto, namangha sila sa mga materials na nandoon pati na rin sa gawa ni Aj..

"Ano tong bulaklak?" Sabi ni Rick. Shit.

"Ahh yan? Umm.. B-bigay sakin ni Eron.." Narinigkong sabi ni Aj. Napailing ako at napakagat sa ibaba kong labi.. Baby girl please watch your mouth! Tayo mahihirapan neto eh..

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon