Kabanata 47

248 19 13
                                    

Ang Desisyon

Maaga akong nagising kinabukasan. Maaga nga ba o talagang hindi ako nakatulog? Mabigat ang katawan ko nang bumangon ako at dumiretcho sa banyo.

"Shit Aj! Ano? Haharap akong ganito?!" Hinawakan ko ang pisngi ko lalo na ang ilalim ng mga mata ko. Obviously, I looked so stressed! Samahan pa ng dark circles sa ilalim ng mga mata ko! Baka tuluyan akong mapag-iwanan kapag nagkataon.

Nag-hilamos ako at nagbihis. Dala ang ipad ay pumunta ako sa balkonahe at nilapag ito sa ibabaw ng mesa doon. Pinindot ko ang app na ginagamit ko para masundan ko ang aking work-out at sinimulan ito. I need this to get energized. Hindi pwedeng lalamya-lamya ako mamaya, may maabutan man o wala.

Umabsent ako sa araw na ito. Unang absent ko palang naman ito kaya hindi ako masyadong kinabahan. Nagtext na rin ako kay Klhoe na ipaalam ako sa aming floor manager kahit pa nagtext na ako doon.

Trenta minutos ang nakalipas, uminom ako ng protein shake at pinunasan ang pawis. Hinahabol ko ang hininga habang kinukuha ang phone sa tabi ng ipad. Patuloy pa rin sa pagsasalita ang babaeng nasa video.

Walang text. Wala.

Parang nawala lahat ng inersisyo ko kanina dahil napanghinaan ako. Fuck it! Wala ka pang napapatunayan Aj kaya tumigil ka.

Ilang minutong pahinga lang ay naligo na ako. Masyado pang maaga kaya maliligo nalang ako ulit mamaya. Gusto ko lang talaga makaligo para mabuhayan dahil kung mananatili akong bulagta sa kama ay baka di na ako abutin ng bukas.

Bumaba ako at nilibang ang sarili sa pag-usap kay ate Amy. Habang nagluluto siya ng pananghalian namin.

"Ate..wala po bang nakkwento sa inyo si ante Sally na kakaiba?" Sabi ko habang nakaupo sa high chair sa kusina at pinapanuod si ate Amy na hinahalo ang rekado.

"Paanong kakaiba, miss Aj?" Tanong niya.

Ngumuso ako.

"Umm.. Kakaiba po.. Gaya ng kung may.. Umm.. Babae na bumibisita..ganun?" Sabi ko.

Natigilan siya at tinuon ang tingin sa niluluto.

"U-uh.. Wala naman po." Sabi niya pero hindi bumenta sakin.

"Ate, hindi naman ako magagalit. Gusto ko lang malaman kasi matagal-tagal na rin akong di nakakapunta sa kanila.." Sabi ko.

Ngayon ay napatingin siya sakin, nagdadalawang isip. Tiningnan ko siya nang may nanunuyong mata.

"Kasi po.. Meron pong nakkwento si ate Sally.." There, she said it. Umayos ako ng upo at seryosong tumingin sa kanya.

"May nagpupunta po doong babae daw. Kasundo si Madame eh. Nasasabi niya lang po iyon tuwing kinakamusta niya ang relasyon niyo sakin, miss Aj..dahil tinatanong ko siya kung bakit niya kayo kinukumusta."

Natigilan ako. Narinig ko nang tama si ate Amy pero hindi iyon matanggap ng sistema ko. Hindi ko matanggap. Ayokong maniwala kahit sinusubo na sakin ang katotohanan. Masyadong mabilis lahat ng nangyayari na hindi ako nakakasabay sa oras. Pakiramdam ko napagiiwanan ako ng mundo...ng mga tao...ng panahon. Pinaglalaruan ako.

"G-ganun po ba? Um... Malapit daw ho ba sila ni Eron, ate? Nag-uusap ba sila?" Uminit ang gilid ng mga mata ko.

Humalakhak si ate Amy kahit na hilaw iyon. Alam kong ramdam na niya ang pait sa aking boses.

"Hindi po nabanggit miss Aj, eh. Hindi naman po kasi dinidetalye ni ate Sally kapag po nasasabi niya." Bumaling siyang muli sa kanyang ginagawa.

Tumango ako at kinuha ang pagkakataon na yun para punasan ang tumulong luha. Huminga ako ng malalim at iwinaksi muna ang sakit. Walang alam si ate Amy at siguradong magtataka siya kung bakit ako umiiyak sa mga sinabi niya. Ayoko nang sumagot ng tanong kung sakali.

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon