Ang Bisita
Kahit na nanghihina pa mula sa pagkakapuyat kagabi ay pinilit ko pa ring pumasok. Hindi pwedeng maapektuhan ng pagddrama ko ang mga responsibilidad ko dahil kahit pa nasaktan ako, buo pa rin ang loob ko na tapusin ang nasimulan para mahawakan ko na ang aming negosyo o di kaya ay magsimula ng akin.
Hindi ko pa rin sinagot ang mga tawag ni Eron. Natatakot akong masabi ko sa kanya lahat kaya minabuti kong itext nalang siya, atleast kontrolado ko pa ang lahat ng sasabihin ko doon.
"What happened, gorl? Para kang namatayan!" Humalakhak si Khloe. I know. Wala akong gana mag-ayos.
Umiling lang ako at ngumiti.
"O my god! May prob ba gorl?" Nilapitan niya ako at hinawakan ang mag kabilang braso.
Kaunti nalang tutulo na ang luha ko dahil sa concern ni Khloe. Ang lambot ko naman ngayon. Damn it!
"Ehem.." May nagkunwaring umubo sa likod ko at agad namutla si Khloe.
Binitawan niya ako, "G-Good morning, mr. President." Lalaking lalaking bati ni Khloe.
Bumuntong hininga ako at hinarap na rin si Jasper.
"Aj, can I talk to you?" Tanong niya, "in private?" Tumamlay ang tingin niya nang makita ang mukha ko.
Napatingin ako kay Khloe at kita ko ang pagtataka sa kanyang mata at tagong ngisi niya. May nakasulyap ding iilang empleyado sa amin.
Tumango at sumama na sa kanya. Wala na ata akong lakas makipagtalo.
Tahimik kami habang papunta sa opisina niya, nagsalita lang siya nang makapasok na kami.
"That Christian boy seems to be close to you." Sabi niya habang minumwestra ang leather couch sa kanyang opisina.
"He's gay Jasper." Sagot ko. Natigilan siya at parang nabunutan ng tinik. "He even likes you," sabi ko pa. Nakagat ko ang labi ko dahil nailaglag ko ang kaibigan pero malay niya, maging sila pa dahil sa sinabi ko.
Lumapit siya sa kanyang mesa.
"Anong paguusapan natin?" Tanong ko pero may tinawagan muna siya saglit sa telepono.
"Two coffees and snacks. Okay, thanks." Aniya bago ibaba ang telepono.
Lumapit siya sa isang single couch at naupo doon.
"Gusto lang kita kamustahin Aj, you know..about last night. Gusto ko lang din tanungin kung bakit ka umiiyak pag-alis mo sa resto na iyon." Nagdekwatro siya at mataman akong tiningnan.
"Hayaan mo na yun, Jasper. Hindi na importante ang kahapon. O-okay na ako ngayon." Nag-iwas ako ng tingin.
"Really? You don't look Okay to me." Nagtaas siya ng kilay.
Bago pa ako sumagot ay may kumatok na sa kanyang glass door. Binuksan niya iyon at hinatid na sa coffee table sa tapat ko ang inorder niyang pagkain. Dalawang kape at iilang piraso ng croissants at sugar glazed donuts.
Nang makaalis ang lalaking naghatid ay umupo at tinitigan akong muli ni Jasper. Kinuha ko ang kape at sumimsim doon.
"I'm okay." Paalala ko sa kanya.
Suminghap siya at kinuha rin ang kape niya.
"Then, Let's talk about how I will pay you back." Simula niya. Nagpasalamat ako dahil nirespeto niya ang privacy ko tungkol sa kahapon.
Nanlaki ang mata ko nang napagtanto ang sinabi niya at agad napatingin sa kanya.
"You mean it? G-gagawin mo talaga?" Nabuhayan ako ng loob. Kung mangyaring babayaran niya si Eron, mas magiging madali ang pagpapatawad samin ni tita Ellena. Mapapatunayan kong hindi ko ginustong mapasakin ang 300 milyon na iyon. At hindi ko kinailangan yun kung di lang dahil sa aking ama.
BINABASA MO ANG
Forever is Never Enough
RomanceAfter winning Eron Alford's heart, inakala ni AJ na magiging madali nalang ang lahat. Sino nga naman ba ang hindi magiging masaya? Her boyfriend almost look like a God from Greek-mythology for pete's sake! But the bumpy road of life won't end there...