Kabanata 33

632 38 14
                                    


Ang Deal

Humikbi ako pagkatapos ng pangsiyam kong tawag. Hindi ko na napigilan kahit pa sinusulyapan na ako ng driver sa salamin. Tumingin lang ako sa labas saka muling nagdial..pang sampu.

Hindi niya sinagot!!!! ...>_<...

Pinatay ko ang cellphone ko at padabog na tinago yun sa bag. Humikbi ako nang tuluyan.

"Miss okay lang ba kayo?" Nagaalalang tanong ng driver.

"H-hindi.." Sagot ko habang humihikbi. Maski sa kanya ay hindi ko kayang magsinungaling. Masakit talaga at hindi AKO okay.

"Nagaway po ba kayo ng boyfriend mo miss?" Tanong niya pa.

Malungkot na ngiti ang ginawad ko sa kanya.

"Sa ganda mong yan miss, inaaway ka pa nun? Wag ka nang umiyak miss." Sinubukan niyang ngumiti.

"Mali po kayo kuya, n-namatayan kasi ako kaya ako umiiyak." Sabi ko habang sumisinghot-singhot.

"Ay. Pasensya na po miss. Condolence po." Sabi niya pa at hindi na ako kumibo.

Namatayan nga ako. Namatayan ng puso. Wasak na wasak eh.

Natulala ako sa labas, namalayan ko nalang ay nasa kanto na kami ng bahay namin. Hindi ko na siya pinapasok sa street at wala sa sariling nagbayad ng higit na halaga at bumaba.

"S-sigurado po ba kayo dito miss? Isang libo po ito." Bumaba pa ang driver para sabihin sakin yan.

Ngumiti ako at tumango.

"Salamat po." Aniya sabay alis.

Ilang maliliit at tamad na hakbang pa ang nagawa ko bago ko natanaw ang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay namin. Biglang bumaba si Brix sa kanyang kotse at nagmamadaling lumapit sakin.

"Aj! A-are you okay?" Nagaalalang tanong niya nang makita niyang basang basa ang pisngi ko at namumugto ang mga mata ko. Nasilayan na kasi ng ilaw galing sa poste ang mukha ko.

Sinakop ng kamay niya ang pisngi ko at pinunasan iyon. Mapungay akong tumingin sa kanya habang siya naman ay may nagtatanong na tingin.

"What happened?" Marahan niyang tanong.

Pinagisipan ko ang isasagot ko...Ngunit nang maisip ko ang sasabihin ko ay bumalik nanaman sa alaala ko yung nakita ko kanina! Damn it!

Nawalan ako ng lakas para magsalita at wala akong masasabi sa kanya dahil paulit-ulit lang na magfflash sa utak ko kung paanong pinagpyestahan ni Jackie ang nobyo ko, paulit-ulit lang din akong masasaktan.

Wala sa sariling napayakap ako sa kanya. At sa kanyang dibdib ko binuhos lahat ng luhang hindi ko pa nailabas kanina. Humikbi ako nang humikbi lalo na nang maramdaman ko ang pagsukli niya sa yakap ko. Ang init ng yakap niya ay nakapagbigay sakin ng kumportableng pakiramdam para ilabas ang sama ng loob ko.

Hinaplos-haplos niya ang buhok ko.

"A-akala ko hindi siya lumalapit don. Akala ko matibay siya. Tinitiis ko lahat ng naririnig at nakikita ko pero hindi ko na ata kaya yung kanina. Ang s-sakit sakit na." Napipiyok kong sambit.

"Shhh.. Aj.." Nasabi niya lang at mas lalo pang hinigpitan ang yakap niya.

Lumuha pa ako bago kumalas sa kanya.

"Ano ba talaga ang totoo Brix? Lumalayo ba talaga siya kay Jackie o hinahayaan niya lang yun l-lumapit sa kanya?" Pinilit kong magsalita.

Nagaalala niya akong tinitigan pero hindi siya nagsalita.

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon