Ang Pagbabalik
Natahimik muli ang bahay nang matapos ang buong maghapon. Pagkauwi namin ni mokong ko ay hindi nga ako nagkamali, agad kaming inenteroga ni dad at panay ang ngising aso saming dalawa.
Kung hindi lang siya napagod sa byahe ay baka buong magdamag niya pa kaming tinukso!Nagpalipas pa ng oras si Eron sa bahay. Yun din ay dahil sa kagustuhan ni kuya JA na makasama pa siya. Tsss nakakaselos.
After dinner na din nakauwi ang nobyo ko. Sa totoo lang ay dapat nagpapahinga na ako ngayon dahil sa nakakapagod na araw na ito pero hindi man lang ako dalawin ng antok. Hindi pa rin nag si-nsink in sa utak ko yung mga nangyari kanina. At bukod pa doon ay sising-sisi ako sa mga padalos-dalos na desisyon ko nung mga nakaraang buwan.
Kung alam ko lang na ganoong hirap pala ang dinanas niya ay hindi ko na sana tinaasan pa ang pride ko. Sana pala ay kinausap ko man lang siya. Sana pala ay mas pinili ko siya kesa sa pagmamatigas ko.
Kinabukasan ay inagahan ko ang gising ko. Mas nauna pa nga ako sa alarm ko. Kumain ako nang madami at hinanda ang sarili. Ngayon kasi namin napagdesisyunang kausapin ang daddy ni mokong. At sobra akong kinakabahan. Noong una kaming nagkita ay alam ko namang ibang iba ang daddy niya sa mommy niya, dahil kumpara dito mas magaan ang awra ng daddy niya at mas palangiti ito. Pero kahit ganun malakas pa din ang tambol ng dibdib ko.
Nang magvibrate ang cellphone ko ay alam ko nang senyas iyon na kaunting oras nalang ang nalalabi at kailangan ko nang harapin ang papa niya. Tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin at bumuntong hininga. Malakas na yabag ang pinakawalan ko palabas ng kwarto.
"Where are you going baby girl?" Nakataas na kilay na tanong ni daddy, sabay tingin sa suot kong dress. Nakaupo siya sa may sala at may binabasang mga papeles.
Sasagot na sana ako nang biglang may tatlong katok kaming narinig mula sa pinto. Sabay kaming napalingon ni daddy doon.
"Good morning tito!" Nakangiting bati ni Eron kay daddy.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita siya doon. Ang usapan namin ay sa labas kami magkikita! Sobrang bilis naman ata ng pagbabagong gusto niya, nakakaloka!
"Kaya pala bihis na bihis ang aking dalaga.." Pabirong tawa ni daddy. "Namiss ata makipag-date." Dagdag pa nito.
Natawa si Eron sa narinig habang ako ay pinamumulahan na ng pisngi.
"Una na kami daddy." Paalam ko saka mabilis na hinila si Eron palabas.
"What was that for?" Ngingising tanong sakin ni Eron habang hinihila ko siya.
"Sabi mo sa labas tayo magkikita? Bakit pumasok ka pa? Baka isipin ni daddy-" Pinutol niya ang pagsasalita ko.
"Tayo na uli?" Ngisi niya,
Tumango naman ako.
"That's exactly what I want them to think." Hinawakan niyang mahigpit ang kamay ko.
Hindi na ako nakasagot sa huli niyang sinabi. Mukang seryosong seryoso siya sa sinabi niya kahapon. Na sa paraang gusto niya naman namin aayusin ang problema. I think he's sick of all the bullshit that Jackie girl is causing us. I can't blame him, I'm sick of her too.
Masaya kaming sumakay sa kotse niya. Buong byahe, iba iba ang pinaguusapan namin. Halatang tinutulungan niya din ako matanggal ang kabang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Forever is Never Enough
RomanceAfter winning Eron Alford's heart, inakala ni AJ na magiging madali nalang ang lahat. Sino nga naman ba ang hindi magiging masaya? Her boyfriend almost look like a God from Greek-mythology for pete's sake! But the bumpy road of life won't end there...