Kabanata 45

234 9 6
                                    

Ang Restaurante

Wala ako sa sarili buong mag-hapon. Ngayon lang ata ako nagpasalamat na magaan na ang trabaho namin. Kung normal na araw lang ay baka magreklamo pa ako dahil sa kakarampot na trabaho.

Nang mag-uwian ay dinala ako ng mga paa ko sa isang Mall. Naalala ko kasi yung sinabi ni mommy na hindi sila mag-didinner sa bahay. Kapag umuwi ako ng ganito kaaga, baka mabaliw lang ako sa kwarto ko.

Nag-muni muni ako sa iilang boutiques na pinuntahan ko sa Aura. Nagawa ko pang tumingin ng mga pwedeng mapanuod na movies kaso wala din ako sa mood manuod. Hay, ang hirap naman ng ganito! Wala si Nina, wala pa si Cathy, si Khloe naman maglalandi daw! Nagkakabuhol-buhol na ang utak at damdamin ko dahil sa pag-sasarili nito. Kung di ko lang kinokontrol ang sariling emosyon ay baka kanina pa ito sumabog.

Ni hindi ko na alam ang susunod na hakbang ko! Gusto ko siyang ikumpronta pero ayoko naman mag-tunog desperada. Ayokong lumabas na selosa o demanding! Tiwala ang pinaka-kailangan sa isang Long-Distance-Relationship. Oo, feeling ko LDR na kami kahit two weeks lang. Kaya hirap na hirap ako mag-adjust dahil pagkatapos ng iilang taon ay ngayon nalang uli ako nakaramdam ng ganito.

Nakabili ako ng iilang damit at stilettos. Bumili din ako ng lipstick at eyeshadow palette sa MAC at Revlon. Napabugtong hininga nalang ako nang tingnan ang mga bitbit. Ano bang naisip ko't nag-stress shoping ako?! Damn it! Sayang sa pera. -.-

Humakbang na ako palapit sa entrada ng mall para makauwi nang biglang tumunog ang tiyan ko. Hindi naman siguro masama kung kakain ako sa labas.. Mas okay na siguro to kesa sa bahay dahil mag-isa lang ako sa dining kung sakali, malamang tapos na kumain si ate Amy. At ngayon palang alam ko nang habang kumakain mag-isa doon ay maglalakbay ang utak ko kaya maigi nang kumain na dito para pag-kauwi ay makatulog agad ako sa pagod.

La Restaurante

Pumasok ako sa mamahaling restaurant na iyon. Spanish style ang kanilang pagkain. Maski ang disenyo sa loob ng restaurant na iyon ay hango sa espanyol.

"Table for..." Lumapit sakin ang isang server.

"One please." Ngumiti ako at agad niya akong iginiya sa pang-apatan na lamesa sa bandang gitna. Gusto ko sanang magreklamo at sa gilid nalang banda maupo kaso pakiramdam ko pagod na ako para magsalita.

Binigyan niya ako ng menu at namili na ako ng pwedeng kainin.

"Seafood Paella and Sangria for my drink, please." Sabi ko sa server. Nakangiti naman niya akong pinakinggan.

"Right away ma'am." Tumango ang lalaki nang isang beses saka umalis.

Ilang saglit lang ang lumipas ay biglang nagvibrate ang phone ko.

Baby Boy <3's calling....

Natulala ako sa screen ng phone ko hanggang sa nawala ang tawag.

Baby Boy <3's calling....

Baby Boy <3's calling....

Baby Boy <3's calling....

Hindi ko pa rin nagawang sagutin. Sinilent mode ko nalang saka binalik sa loob ng bag. Sakto naman na dumating na ang order ko.

Huminga ako ng malalim saka bumaling sa umuusok pang Paella na asa harap ko. Kumalam agad ang sikmura ko.

"Enjoy your meal ma'am!" Ngiti sakin ng server.

Ngumiti ako at tumango.

Inalis ko ang mga naiisip ko at sinimulan lantakan ang Paella. Ang sarap! Buti nalang nagpagdesisyunan kong dito kumain ngayong gabi. Masarap naman mag-luto si ate Amy pero namiss kong kumain ng ibang uri ng cuisine.

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon