Kabanata 54

339 18 6
                                    

Meant to be


"It's been a while, pagong." Pagod na ngumiti sa akin si Brix.

"B-Brix.." Kumalabog ang puso ko pero hindi ko ito pinahalata. Naging kalmado ako, ayokong mag-isip ng kung ano.

"I'm here to say sorry for what I did." Bumuntong hininga siya. Maingay sa paligid pero ramdam ko pa rin ang pagkabanayad ng boses niya.

"Brix, matagal na iyon. Matagal na din kitang napatawad. At isa pa, walang mali sa naramdaman mo para sakin, walang mali sa pagmamahal pero ang mali mo lang ay tinolerate mo ito kahit alam mo kung anong meron samin ng kaibigan mo. Yun ang mali Brix..." Napalunok siya sa sinabi ko at suminghap naman ako.

"You can always love, it's free...but not always in a romantic way." Ngumiti ako sa kanya, pagod.

"Yea..." Nag-iwas siya ng tingin saka nahihiyang tumingin uli sakin. "Salamat dahil pinatawad niyo ako. I'm also here to congratulate you and..syempre because I missed you." Ngumiti siya. Nagulat ako nang bigla siyang humakbang palapit at niyakap ako. Hindi na ako nakaangal pa.

"Hey! Hindi na yan kasama sa usapan!" Rinig ko ang boses ni Eron na agad akong hinila mula sa bisig ni Brix. Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking bewang na parang niyayakap ako.

Humalakhak si Brix.

"You're too possessive, Bro!" Anito habang tumatawa-tawa.

"Specially, when you're around." Inirapan siya ni Eron pero nag-fist bump din ang dalawa. Gumaan ang loob ko sa nakita. Maybe after these years, nag-kaayos din sila. Mas gusto ko iyon dahil alam kong matalik din silang magkaibigan.

"Aj..." Mula sa likod ni Brix ay naglakad palapit si Andrea. Ngumiti ako agad at binati siya.

Naglakad kaming dalawa pabalik sa aming table habang nasa likod namin magkasabay si Brix at Eron.

"I'm really sorry for what Brix did years ago. And I'm sorry that I was a part of it."

"It doesn't matter to me anymore, Andy. Really. Ang mahalaga sakin ngayon ay ayos na ang lahat at pare-pareho tayong masaya." Ngnitian ko siya para makampante siya.

"At gusto ko din syempre mag-thank you sayo. If it wasn't for you, hindi kami nagkakilala ni Brix. Hindi niya ako ginamit. I know from the start that he's just using me so his secrets would be safe, pero dahil din doon kaya niya ako minahal. Thank you, para sakin ikaw ang tulay namin." Humalakhak siya at ganun din ako.

"I'm so happy for you two, you look so good together back then.." Sabi ko pa.

Pinadausdos ni Eron ang kanyang kamay saking bewang kaya naputol ang pag-uusap namin ni Andy. Siya naman ay lumapit kay Brix.

Sa malayo ay nakita ko nang nakabalik na sa sofa sila Rick at ang girlfriend niya pati sila Axl at Brent. Sila Nina naman ang nasa dancefloor.

"You promised me, we're gonna dance after?" Bulong niya at nagsimulang gumapang ang malakas na boltahe ng kuryente mula saking batok pababa.

Hindi na niya ako pinasagot, hinila na niya ako sa dancefloor at sinayaw. Nararamdaman ko na ang init ng katawan niya sa sobrang lapit niya sakin. His lips rested on my neck as we dance. Kita ko ang mga nakatingin samin, kay Eron. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama kung gaano ako kaswerte. This too-good-to-be-true man is dancing with me and owning me, how could I not be happy? It's not even just happy, it's beyond that.

Naubos ang week na iyon sa pagtanggap ko ng mga kliyente. Nafeature na rin ang aking couture house sa dalawang magazines at isang T.V. show kaya mas lalo akong naging abala.

Forever is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon