08. He Who Forgets the Past.

119 9 7
                                    




          

The Boy Who Murdered Love

08

He Who Forgets the Past


Masyadong mahirap para sa'kin ang nangyari nang matapos ang pagsasama namin ni Claire. Na-realize ko na sya lang ata ang minahal ko nang ganun dahil bukod sa ibang nauna sa kanya, pinagpaguran ko sya. Sa loob ng limang buwan, pinagpaguran ko sya. At nasayang ang limang buwan na 'yun sa isang iglap lang. Masyado kong minadali ang lahat. Kaya siguro ako nahihirapan nang ganito.

Ugh.

Matapos kong patayin si Claire, umuwi ako sa bahay ng Tita ko para doon muna tumuloy nang ilang buwan. For some reason, pagkatapos ng insidente tungkol sa asong si Isolde, natutuwa na akong kasama ang babaeng 'to. Wala naman kasi si Mama sa tabi ko para suportahan ako e. Ni hindi nya nga ako naiintindihan, pero si Tita. . . malaki ang pasasalamat ko sa kanya.

Nakikinig sya sa lahat ng sinasabi ko. She really had the proud look a mother would have had when her son would be speaking about his studies, how college was going, or what were his plans. At masasabi ko na may kung anong masarap na pakiramdam ang mayroon sa bahay nya doon sa probinsya, na animo'y nasa loob ka ng isang paglalakbay patungo sa lugar na hindi mo pa napupuntahan. Sa paraiso, sa kalikasan.

Wala akong plano na bumalik pa sa kolehiyo. Mas lalong magiging mahirap para sa'kin kung makikita ko pa ang lahat ng bagay o lugar kung saan nakasama ko si Claire— sa hallway na lagi naming nilalakaran, sa library kung saan kami unang nagkita, lalo na sa dorm room ko kung saan lagi kaming tumatambay. Siguro mahal ko nga talaga siya, at ayos 'yun para sa'kin dahil kasama 'to sa lahat ng karanasan ko para maramdaman ang lahat ng klase ng pagmamahal.

Wala talaga akong planong bumalik pa sa kolehiyo. Mas gusto ko ang gumala at pumunta sa iba't ibang lugar. At magandang ideya 'yun para kay Tita dahil magiging maganda raw 'yun para sa'kin, makakalimot ako. Hindi ko alam kung hanggang saan ang alam nya tungkol sa'kin, at kung may napansin man sya, o kung may naririnig man syang mga kwento tungkol sa'kin. . . Pero okay lang, okay lang naman. Alam kong maiintindihan nya ako.

Kaya sinunod ko ang sinabi nya. Inayos ko ang mga damit at gamit ko, nilagay ito sa bag na dadalhin ko, at nagtungo sa iba't ibang lugar. Siguro kailangan ko ngang ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay. . . o ibang babae. Ibang babae para ipalit sa naiwang ala-ala ni Claire dito sa puso ko.

Kaya't habang nasa loob ako ng bahay ng Tita ko, nagbasa-basa ako ng maraming libro habang naglalakad-lakad sa kakahuyan. Sa tuwing nauwi ako, lagi nyang sinasabi sa'kin na gusto nyang magsimula ng isang bahay-ampunan para sa mga batang nangangailangan. Gustong-gusto nyang tumulong sa ibang tao at kailangan nya raw ng tulong ko. Syempre, tinanggap ko. Tutulungan ko sya pagkatapos kong pumunta sa iba't ibang lugar.

Kinagabihan bago ako umalis, nag-usap kami ni Tita tungkol kay Mama, sa kung gaano ka-importante ang trabaho nya, tungkol kay Papa, sa kung paano naging parang wala na lang ang lahat. . . at tungkol sa Ate ko.

"Nalulungkot ako sa nangyari sa Ate mo pero—"

"Hindi naman 'yun nakakalungkot," pagputol ko sa sinasabi nya. "Wag na lang po natin pag-usapan 'yun."

"Alam kong minahal mo ang ate mo higit pa sa pagiging kapatid, pero Anak, you have to move on and forgive. Learn to let go."

Kung alam nya lang kung gaano kadali ang makalimot. . .

Kung alam nya lang kung gaano ito kadali para sa'kin.





x

End of Chapter Eight.

Thank you for reading!

Happy Valentin'es Day sa lahat ng nagmahal, nagmamahal, at magmamahal dyan. This update is for you guys!

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon